Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Christmas wish kay Leni

TILA medyo nanahimik ngayon ang Bise Presidente na si Leni Robredo. Parang hindi yata masyadong pumapapel sa mga isyu ngayon ang pangalawang pangulo. Mabuti naman.

At ngayong ilang tulog at gising na lang, Pasko na, tila magandang Christmas wish natin kay Leni, tigilan na nito ang panay-panay na pag-iinarte. Tama na ‘yung maya’t mayang pagsakay sa iba’t ibang mga isyu ng bayan lalo na kung wala rin naman siyang konkretong solusyon na magagawa.

Kung maaari lang ay limitahan, kung hindi rin naman talagang kayang iwasan, ang kanyang photo ops at press releases na maya’t maya ay ipinapaskil sa social media.  Nakauumay at halatang ‘pampaganda’  lang ito ng kanyang imahe at para sabihin na nagtatrabaho siya. Kung totoo siyang nagtatrabaho, puwede ba siyang maglingkod nang hindi kinukunan ng retrato?

Tigilan na rin sana ni Leni ang paggamit sa namayapang asawa na si Jessie Robredo.  Patahimikin na niya ang kaluluwa ng kanyang asawa. Magtrabaho nang totoo at hindi ‘yung propaganda lang.

Tigil-tigilan na rin ang pagpapakyu…t dahil hindi na bagay sa kanya at may edad na rin siya.

Ngayong kapaskuhan, gawin sana ni Leni ang tama, at kung magtatrabaho siya nang totoo huwag magpapadikta sa mga dilawan, lalo na kay dating Pangulong Noynoy Aquino.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …