KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, hindi na matutuloy ang cash gifts na ibibigay sana ni Pangulong Rodrigo Duterte sa matataas na mga opisyal ng PNP.
Inianunsiyo ito ni Dela Rosa sa isinagawang turn-over of command sa PNP Logistics Support Service (LSS).
“Gusto ko sanang mag-share sa inyo kung meron akong natanggap kasi akala ko meron akong malaking matanggap kahapon e, dahil akala ko may ibibigay na bonus ang Malacañang, kaso kinulit ng media, nagtatanong ‘yung media saan daw ang source, saan galing hanggang sa sige lang tayo hintay, walang dumating. Sabi ng Malacañang sige hintay lang kayo, maghanap pa kami ng pera,” wika ni Dela Rosa.
Aniya, binabawi na ng pangulo ang pagbibigay nila ng cash gift makaraan makatanggap ng kaliwa’t kanang batikos.
Sinabi ni Dela Rosa, hindi dumating ang kanilang hinihintay na bonus at ayon sa Malacañang, naghahanap pa sila ng pera para sa nasabing bonus.
Aniya, baka isang sakong bigas na lamang ang kanilang matatanggap mula sa pangulo.
Magugunitang inianunsiyo ni Dela Rosa nitong Lunes na naglaan si Duterte ng P100,000 hanggang P400,000 cash gift sa star rank officials ng PNP.
‘Wag lang sa korupsiyon
PNP CHIEF HANDANG
MAKULONG
SA WAR ON DRUGS
HANDA si PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa na makulong dahil sa mga insidente ng patayan bunsod ng kanilang kampanya laban sa illegal drugs huwag lamang sa isyu ng korupsiyon o katiwalian.
Sinabi ni Dela Rosa, bahagi ng kanilang pagtupad sa misyon ang linisin ang bansa sa problema ng ilegal na droga at mga kaso ng patayan.