Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bea Alonzo at Ian Veneracion, kaabang-abang ang tandem sa A Love To Last

FIRST time na nagtambal sina Bea Alonzo at Ian Veneracion sa pinakabagong serye ng ABS CBN na pinamagatang A Love to Last. Pero kahit first time ever na magkakasama sila sa isang project, lutang na lutang ang chemistry sa kanila. Sa presscon nito recently, obvious na sa maikling panahon ay naging magka-vibes agad sila. Maraming biruan ang dalawa sa naturang event at sure ako na makikita ito ng viewers kapag nagsimula na ang serye nila sa Januray 9.

Aminado si Bea na mabilis ang naging bonding nila ni Ian sa set. “Napakabait ni Ian. Masarap siya katrabaho, magaan lang and professional siya kapag trabaho na.”

Ipinahayag pa ng Kapamilya aktres na hindi siya nagdalawang isip na tanggapin ang project. “Nang na-pitch sa akin yung project, hindi na ako nagdalawang isip. Noong ikinuwento sa akin, na-inlove agad ako rito sa story.

“It tackles the family of today, extended family, hindi nawawala yung core values, na sinusuportahan ng kapamilya sa kapamilya network and I think kahit na mag-experiment tayo sa primetime o kahit na mag-experiment ako sa mga pelikula na ginagawa ko, babalik at babalik ka pa rin doon sa core mo. And ako nagsimula ako sa Star Creatives and I’m just happy to be home again.”

Nang usisain naman si Ian kung pumayag ba siya agad nang alukin sa project na ito? Eto ang banat niya, “Noong una lang, nagdalawang isip ako, sabi ko, si Bea? ‘Hindi ba siya masyadong old para sa akin?’” Pabirong saad ng aktor.

Biglang bawi naman ni Ian, “Hindi, siyempre excited ako. Kami ni Iza, we’ve worked together before, maraming beses na. And first time ko to work with Bea and matagal ko na siyang gustong makatrabaho talaga.”

Ano ang first impression ni Bea kay Ian?

Sagot ng aktres, “Noong una, alam ko na mukha siyang matalinong tao, para siyang mahiyain. Nagkamali ako. Joke!” pabirong saad pa niya kay Ian na ang tawag niya ay Papa I. Dagdag pa ni Bea, “Hindi, hindi ako nagkamali, masarap siyang kakuwentuhan, pero noong umpisa, para siyang mahiyain. Pero parang may connection agad, hindi mo kailangang ipilit. Hindi ba ganoon daw ang friendship, hindi pinipilit, hindi pinipili? So, parang ganoon yung kay Papa I.”

Ang A Love to Last ang magiging buwena manong handog ng ABS CBN sa taong 2017 sa nalalapit nitong pagsisimula sa Primetime Bida. Pinangungunahan ng box office actress na si Bea at sough after leading man na si Ian, ang A Love to Last ay napapanahong kuwento tungkol sa pamilya na magpapakita sa mga manonood kung paano naiiba ang konsepto ng pag-ibig pagdating sa reyalidad.

Kasama rin sa A Love to Last sina Enchong Dee, Julia Barretto, Ronnie Alonte, JK Labajo at Hannah Vito. Ito’y sa direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano.

ALAM NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …