Sunday , December 22 2024

Opisina na opisyal sa QC Hall tambayan ng fixers?

SA tuwing sumasapit ang Disyembre hanggang Marso o first quarter ng taon, nabubuhayan ang mga fixer na kumikilos sa Quezon City Hall partikular ang dibisyon na pinagbabayaran ng buwis para sa lupa at ari-arian o “real property tax.”

Katuwiran ng fixer-employees na kasabwat ng ilang opisyal ng assessors office ay ‘tinutulungan’ lang daw nila ang mga nagbabayad ng amilyar. Tulong? anong klaseng tulong? Tulong ba iyong dadayain ang komputasyon para sa amilyar? Tulong ba ‘yon?!

Ngayon, tumaas nang 500% ang amilyar sa Kyusi para sa sa industrial at commercial area, lalong tiba-tiba ang mga fixer maging ang kanilang mga kasabwat.

Pero naniniwala naman tayo na kapag makarating ito sa kaalaman ni Mayor Bistek, tiyak na hindi makalulusot ang mga fixer sa kanya ma-liban kung talagang magnanakaw na kawani ang nakapalibot sa kanya.

Ngunit, ano naman itong panibagong info na ipinarating sa inyong lingkod – alin?

Ganoon kaya katotoo na ang opisina ng isa sa opisyal ng Building Permit ay tambayan ng mga fixer? dito sila naghihintay ng kanilang mabibiktima.

Sa opisina ng opisyal nagtatambay ang mga fixer upang maging kapanipaniwalang mga kawani sila ng city hall o sa building permit division

Ang tanong, alam kaya ng hepe ng Department of Building Official (DBO) na si Gani Versoza, ang ginagawa ng mga fixer? Alam kaya  ni Vesoza na pinahihitulutan ng isang opisyal na gawing  tambayan ng mga fixer ang isa sa opisina ng building permit?

Ang masaklap nito, imbes ang mga empleyado lamang ang nasa loob ng opisina ay mas marami pa ang bilang ng mga fixer na naghari-harian pa.

Katunayan, dahil laging lumalayas sa dati ni-yang opisina ang opisyal, ‘ikinulong’ na siya sa hinahawakan niyang opisyal ngayon para hindi na makatakas, ngunit, walang nabago sa opis-yal. Pasaway at lagi pa rin nawawala ang opis-yal kaya naging tambayan na ng mga fixer ang kanyang opisina/departamento.

Pero hindi naman kaya nakikinabang ang opis-yal sa mga fixer kahit lagi siyang nawawala?

Lagi pa ngang nauunahan ni Versoza sa pagpasok sa opisina ang opisyal na isa sa naging dahilan upang ilipat ng kuwarto para mahiya naman sana siya kay Versoza.

Nalipat man ang kuwarto ng opisyal para mabantayan siya ni Versoza, wa epek pa rin dahil nakatatakas pa rin ang opisyal na isa sa nagiging dahilan para maantala ang proseso ng mga building permit.

E ba’t nawawala ang opisyal at bumabalik na lamang para mag-time out? Saan ba siya nagpupunta at kinakailangan pa niyang tumakas?

Ano lang naman – nakikipaglaro ng gulp…gulp …gulp…ah manginginom ang opisyal?

Hindi naman daw dahil hindi naman siya amoy alak pagbalik sa opisina para mag-time out.

Ang bisyo ng opisyal na gulp… gulp…ay magastos. Bakit? Mga maya-yaman kasi ang kaharap nito. Teka, e paano kaya nasu-sustentohan  ng opisyal ang kanyang gulp… gulp… (inuman?)  ‘e kung tutusin, hindi naman kataasan ang suweldo ng opisyal?

Kaya hanggang ngayon, laging “missing in action” sa kanyang opisina ang opisyal kung kaya’t kapag sinilip ang kanyang departamento ay mga fixer ang nakatambay sa kanyang opisina.

Naku, ayaw ni Bistek nang ganyang klaseng opisyal.

Mr. Versoza, paano nakalulusot sa inyo ang bulok na estilo ng opisyal na ‘yan? Hindi ka naman konsentidor ‘di po ba? Kaya, bago ka masilipan o masisi sa estilong bulok ng isa sa opisyal mo, kilos!

E sino ba ang opisyal na ito?Abangan!

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *