TODO at hindi tumigil ang suporta ng Metro Manila Film Festival Execomn na pinamamahalaan ni Chairman Tim Orbos at Executive Director Atty. Rochelle Ona para tiyaking napapahalagahan at tinutulungan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF 2016.
Simula pa man nang ihayag ang mga kalahok sa MMFF 2016, hindi tumigil ang Execom sa pagtulong sa mga filmmaker at iba’t ibang activities na ang naganap para makaalagwa ang kanilang promotions at marketing campaigns.
Tuloy-tuloy din ang tulong ng Film Development Council of the Philippines sa kanilang countdown sa MMFF mall shows na nagsimula sa SM Skydome, na sinundan sa SM Sta. Mesa, at sa SM Bicutan.
Ukol naman sa MMFF Parade, tuloy na tuloy ito sa pakikipagtulungan ng Office of the Mayor at Cultural Affairs and Tourism Office ng Lungsod ng Maynila. Ito ay gaganapin sa Disyembre 23, na magsisimula sa Luneta Grandstand area at magtatapos sa Plaza Miranda.
Mapapanood naman ang mga kalahok sa MMFF sa mga sinehan simula Disyembre 25 at magaganap ang Gabi ng Parangal sa December 29 sa Kia Theater.
Ang mga hurado naman sa MMFF ay kinabibilangan nina Paolo Bertolin ng Venice Film Fest, Philip Cheah ng Singapore FF, Johnny Revilla, Mio Tiongson (Sachii), Director Antoinette Jadaone, Vince Reyes ng Ad Foundation, Fr. Caluag, at ang actor na si John Lloyd Cruz.
Ang walong entries naman na nakasama sa MMMFF 2016 ay ang Oro, Saving Sally, Sunday Beauty Queen, Seklusyon, Kabisera, Babae sa Septic Tank 2 (Forever is not Enough), Die Beautiful, at Vince & Kath & James.
Umaasa ang pamunuan ng MMFF na tatangkilikin at susuportahan ng publiko ang MMFF 2016.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio