Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Anne, naiyak nang ianunsiyo ang engagement nila ni Erwan

NANGINGILID ang luha ni Anne Curtis kahapon sa It’s Showtime habang inaanunsiyo na officially engaged na siya kay Erwan Heussaff.

Ani Anne na limang taon nang girlfriend ni Ewan, “I am happy to share with all of you the great news. And being someone who’s always in the public eye, I think it’s very, very important that I share it with all of you, which I did yesterday.

“Thank you everyone, it was all over the news, social media, who sent their well wishes and love to both Erwan and I.

“Sobra kaming nagpapasalamat po sa inyo. And I’m just hoping na until the end of this whole journey and as I enter the whole chapter in my life, kasama ko pa rin ang ‘It’s Showtime’ family.

“And sana po, even when I become misis na, patuloy pa rin po ang supporta niyo.”

Si Anne ang ikaapat na miyembro ng ‘It Girls’ na na-engage at ikakasal. Nauna na sina Georgina Wilson, Solenn Heaussaff, at Isabelle Daza

Kung ating matatandaan, kumulat ang “proposal” video ni Erwan na ipinost niya sa YouTube. Ito’y naglalaman ng travel diary ng recent trip nila sa USA. May titulo iyong Going Around New York City and Connecticut (Best Trip Ever) pna sa bandang dulo ay makikita ang pagpo-propose si Erwan kay Anne sa itaas ng bundok.

Sa video ay makikitang nakaluhod si Erwan sa harap ni Anne at may hawak na small box na naglalaman ng singsing habang ang aktres naman ay parang umiiyak.

Mahina ang boses ni Erwan kaya hindi masyadong marinig sa video ang sinasabi ni Erwan pero maririnig ang pag “yes” ni Anne.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …