KUNG totoong kasado na ang planong paggawang muli ni Ai Ai de las Alas ng pelikula sa Star Cinema, totoo rin ang kapaniwalaan na sa mundong ito’y walang permanenteng bagay maliban sa pagbabago.
Sariwa pa kasi sa alaala natin ang namuong tensiyon kay Ai Ai at ng nasabing film company around this time last year. Hindi kasi matanggap ni Ai Ai ang press release ng Star Cinema na kinabog ng MMFF entry nitong Beauty & the Bestie ang ipinanlaban naman nila ni Vic Sotto.
Ano nga ba ‘yung pamosong linya ni Ai Ai na tiyempong nasa ibang bansa siya in defiance of Star Cinema? “Karma is a bitch!”, kung natatandaan n’yo pa.
Naging isang malaking isyu ‘yon na nakamatayan na ng direktor na si Wenn Deramas, pero hindi ‘yon nabura sa isip ng publiko coming from Ai Ai na natural na may axe to grind laban sa pinanggalingang estasyon.
Now here comes the news tungkol sa gagawin niyang film project under Star Cinema brokered by her manager Boy Abunda.
Nalimutan na rin yata ng pamunuan ng Star Cinema ang nakaraan nito with Ai Ai, forging partnership anew.
Natawa lang kami sa development na ito. In this world kung saan sinasabi nga nating there are neither permanent friends nor enemies except change, ang laging nananatili ay interes na kailangang protektahan kesehodang burado ang prinsipyo.
Haaay…
( RONNIE CARRASCO III )