KINUTYA ni Pangulong Rodrigo Duterte ang media na madalas aniyang sakyan o seryosohin ang kanyang mga biro.
Sinabi ng Pangulo sa birthday party ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao, pagod na pagod siya sa mga biyahe sa ibang bansa bilang presidente ng bansa ngunit iniintriga pa rin siya ng media.
Gaya na lang nang ihayag niya sa Wallace Business Forum na may sakit siyang Buerger’s disease na nakuha niya sa paninigarilyo dati ngunit ang bumandera sa media ay mamamatay na siya.
“Ayaw ko man magpunta-punta ng mga lugar. Ang akin diyan lang. I’m contented with the bahay ko, ‘yung after that, the After Dark diyan, di naman ako makainom. Tapos mag-intriga, sabi ko may sakit ako na ano, headline kaagad, ‘Duterte will die’, g***. Hoy, istorya lang ‘yan, maniwala ka pala, uy,” aniya.
Binatikos ng Pangulo ang isang kolumnista na masama ang hitsura, na binabastos ang kanyang buhay.
“Kaya ko nilalaro ‘yang mga buwang, tingnan mo, kung anong sabihin ko, kunin kaagad nila, totoo ‘yan. Tapos sasabihin ko na ako gano’n, pati ‘yung mga babae ko, binabastos ‘yung buhay ko nitong isang — isang kolumnista diyan na, may programa ‘yan. T*** ina ang mukha akala mo — mas maganda pa ‘yung husband niya sa kanya, totoo lang,” aniya.
“Alam mo, mag-asawa ‘yan sila. Itong babae, she wrote something about the… ‘pag kaharap mo ‘yan, pagkapangit ng yawa. E kung lagyan mo ng wig ng — siguro doon pa ako magtingin sa asawa niya, ma-ging bayot na ako kasi,” dagdag ng Pangulo.
Nagpasalamat ang Pangulo sa mga taga-General Santos City sa pagboto sa kanya at hindi nagkamali na inihalal ang katunggali ni-yang sabit sa illegal drugs ang military aide.
“So that’s the way, ayaw, hindi maghihinto ‘yan. Nobody can stop me because ang tingin ko, kung hindi ako nag-Presidente at yung si ano? Patay kayong lahat. E p*** ang pulis aide niya nandoon sa listahan, ‘yung tinanggal ko na—ito kung, sus maryosep, buti na lang naisipan ninyo ako. Sabagay, kapitbahay man tayo,” giit niya.
Nauna rito’y isiniwalat ng Pangulo na kung si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang nagwagi sa nakalipas na presidential elections ay magiging mas malala ang problema sa illegal drugs ng bansa bunsod nang pagkakasangkot ng aide nitong si police Deputy Director General Marcelo Garbo.