Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marion Aunor, maraming blessings ngayong 2016!

\TULOY-TULOY ang positibong kaganapan sa career ng talented na singer/composer na si Marion Aunor. Kaliwa’t kanan ang magagandang nangyayari ngayon kay Marion. Middle of this year ay nagkaroon siya ng kanyang album tour sa iba’t ibang SM malls sa bansa. Naging visible rin siya sa TV and radio guestings and nagkaroon ng mga show and concerts. This year din inilabas ang kanyang music video titled Unbound. Kasama rito ni Marion sina Alex Gonzaga at Morissette Amon. Ang second album niya mula Star Music ay inilabas din this year.

Nakagawa na rin siya ng pelikula para kay Direk Arlyn dela Cruz na pinamagatang Tibak. Plus, ang kanyang Bar Tour ay patok din na ang unang leg ay ginawa sa 19 East Bar and Grill sa Parañaque at sinundan sa Historia Boutique Bar last December 1 para sa Foxy Production.

Ginawan din ng kanta ni Marion ang ilang sikat na artista at singers like Kathryn Bernardo, Alex Gonzaga, Erik Santos, at iba pa. Of course, malaking bagay at sobrang natuwa si Marion nang ang bagong gawa niyang Lantern para kay Sharon Cuneta at ang isang para kay Jonalyn Viray na pinamagatang Last Message naman ay naaprubahan.

Marami rin siyang kinantang theme song sa pelikula at TV show/special kaya talagang patuloy ang paghataw at pagniningning ng bituin ng singer/aktres na binansagan naming Theme Song Princess.

Bukod sa ginawang kanta para kina Sharon at Jonalyn, ang isa sa pinaka-highlight ng 2016 sa career ni Marion ay nang manalo siya sa Awit Awards ng Best Pop Recording para sa Free Fall Into Love. Actually, matinding achievement kay Marion na makakuha siya ng walong nominations sa Awit Awards at isa itong feat na hindi nagagawa basta-basta ng mga ordinaryong singer/composer. Patunay lang kung gaano ka-talented si Marion.

Narito ang part ng speech ni Marion nang nanalo siya sa Awit Awards: “I just wanna say thank you so much to Awit Awards and to PARI because sobrang dami talagang doubts this year about sa music and stuff and the next day nag-pray lang ako na magbigay ng sign si God and lumabas yung mga nominations ng Awit award and I was like what the f-ruit, what the freak ang sabi ko! So, I just wanna say thank you to these geniuses next to me, Kid Wolf and Mr. Jonathan Manalo and to my Star Music family, I love you guys. Star magic, ABS CBN, and of course to my family, my Mom, my sister, Ate Rose, thank you so much everyone, Thank you.”

Nauna rito, nanalo rin si Marion sa 8th Star Awards for Music ng PMPC para Female Pop Artist of the Year last October.

Mula nang manalo si Marion ng third place sa 2013 Himig Handog para sa kanyang komposisyong If You Ever Change Your Mind, sadyang malayo na ang narating ng magaling na singer/composer at naniniwala akong mas gaganda pa ang career ni Marion.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …