TINIYAK ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD), patuloy ang kanilang ginagawang pangangalap ng mga ebidensiya laban sa showbiz personalities na isinasangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay QCPD Director, C/Supt. Guillermo Eleazar, hawak pa rin nila ang listahan ng showbiz personalities at patuloy na nangangalap ng mga ebidensiya bago nila isagawa ang operasyon.
Dagdag ni Eleazar, bukod sa mga personalidad na nasa listahan, may iba pa silang showbiz personalities na minamanmanan na posibleng gumagamit din o nagtutulak ng ilegal na droga.