Friday , December 27 2024

Kami ang nangunguna! — Atty. Gozon

“NANGUNGUNA kami!” Ito ang tinuran ni GMA President at CEO Atty. Felipe L. Gozon noong gabi ng #PaskongKapuso 2016 Christmas Party para sa entertainment press noong Disyembre 15.

Ani Atty. Gozon, ”Dini-dispute ‘yung ating ratings lead, that’s why I want to say a few words on that. Ang service provider namin ay AGB Nielsen, the combined AGB noong araw at saka Nielsen.

“Ang Nielsen is the number one ratings provider in United States, pero bilang abogado, sasabihin ko lang sa inyo ang pinaka-importanteng distinction.

“Ang Nielsen has 900 more people meters than the service provider of Channel 2, which is Kantar (Media). Not only that, there are really more television subscribers sa Nielsen kaysa  Kantar.”

Ipinaliwanag pa ni Atty. Gozon na hindi lamang siya ang kompanyang nagsu-subscribe sa AGB Nielsen, nariyan pa ang TV5 at Aksyon TV, CNN Philippines, Net 25,  TAPE Inc.;at iba pa.

Iginiit pa ng CEO ng GMA ang motto ng Kapuso Network na walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.

“Kaya ‘pag sinabi naming kami ang nangunguna sa ratings, makaaasa kayong talagang ‘yun ang katotohanan.”

WALANG POINT PARA MAGMADALI
— BEA SA PAGKAKAROON
NG PANIBAGONG LOVELIFE

072616 Bea Alonzo Gerald Anderson

“I’M still single. Nagtataka ako sa mga tao kung bakit nagmamadali.” Ito ang tinuran ni Bea Alonzo ukol sa lumabas na retrato nila ni Gerald Anderson na magkasama sa graduation party ng kapatid ng aktres  kamakailan.

Ani Bea, may trabaho siya na natapat sa graduation ng kapatid  kaya noong magbigay siya ng pa-party para rito ay inimbitahan niya ang mga kaibigang kasama sa ABS-CBN Christmas Special Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko.

Aniya, ine-enjoy niya kung nasaan man ang relasyon nila ni Gerald ngayon. “Wala namang point para magmadali,” giit ng dalaga.

Samantala, bubuksan na ang much-awaited family drama na A Love to Last na nagtatampok kay Bea kasama si Ian Veneracion.

Ang A Love to Last  ay napapanahong kuwento tungkol sa pamilya na magpapakita sa mga manonood kung paano naiiba ang konsepto ng pag-ibig pagdating sa realidad.

Tulad na lang ni Andeng Agoncillo (Bea), isang breadwinner at matagumpay na event organizer, na lubos na naniniwala sa kapangyarihan ng pag-ibig. Para sa kanya, ang pag-ibig ay ang makasama ang lalaking tunay na nagmamahal sa kanya at bumuo ng pamilya kasama nito.

Subalit hindi niya nakuha ang inaasahang fairy tale na ending sa kanyang love story matapos matuklasan ang kataksilan ng fiancé ilang araw bago ang kanilang kasal. Sa kabila nito, naniniwala pa rin si Andeng na darating ang panahon na makikita rin niya ang lalaki para sa kanya.

Samantala, buong akala naman ni Anton Noble IV (Ian), nahanap na niya ang pag-ibig na inaasam. Pagkatapos ng ilang taong pagsasama, nagdesisyon ang kanyang asawa na si Grace (Iza Calzado) na makipaghiwalay at humingi ng annulment. Tuluyan siyang naiwan kasama ng tatlong anak at naging isang single father bukod pa sa pagiging presidente at CEO ng kanyang kompanya.

Paglalapitin sila ng tadhana sa hindi-inaasahang panahon at lugar. Kailanman, hindi naisip ni Andeng na iibig siya sa lalaking malaki ang agwat ng edad sa kanya. Sa kanyang pasyang umibig muli, mahahanap niya ang sarili sa gitna ng magulong buhay ni Anton— ang pagharap sa kanyang ex-wife at pagkuha ng loob ng kanyang mga anak.

Kasama rin sa A Love to Last sinaEnchong Dee, Julia Barretto, Ronnie Alonte, JK Labajo, at Hannah Vito. Ito ay sa direksiyon nina Jerry Lopez Sineneng at Richard Arellano, kasama si Henry Quitain bilang creative head, sa ilalim ng business unit na pinamumunuan ni Lourdes De Guzman. Ang Star Creatives ay pinamumunuan ng COO nito na si Malou Santos.

Sa Enero na mag-uumpisang mapanood ang A Love to Last sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

SUPORTAHAN NATIN
ANG PROJECT HANDA
NG MERALCO

121916-jimmy-alapag-meralco

MALAKI palang tulong na mai-update natin ang mga personal information sa Meralco. Bakit ‘ika n’yo? Ito kasi ang magiging daan para makapagpadala ng message alert ukol sa power interruption schedules, at panahon ng kalamidad  o sakuna tulad ng baha, bagyo, lindol, mga nabuwal na puno at mga kable para tayong mga customer ay tulungang makapaghanda at maging ligtas.

Kaya kung ako sa inyo, i-update na ninyo ang mga personal information ninyo. Napakadali lang naman. Sa pagkuha ng latest bill nyo may kalakip iyong Customer Information Sheet na puwede na ninyong isulat ang lahat ng contact information  tulad ng cellphone at landline numbers at email address. Kahit nga ang usernames ninyo sa inyong mga social media account tulad ng Facebook at Twitter ay maganda ring paraan para malaman ang mga bagay-bagay sa Meralco.

Sa pag-update ng inyong contact details sa Information Sheet na kasama ng inyong November Meralco bill, isumite ito sa pinakamalapit na Meralco Business Center o Bayad Center, o sa awtorisadong Meralco bill delivery messenger.

Ang basketball star na si Jimmy Alapag, ang retiradong point guard ng Meralco Bolts, ay mukha ng Meralco Customer Information Updating program na tinaguriang Project Handa. Sa kanyang mensahe sa pinakahuling Meralco bill, nanawagan si Jimmy na i-update ng mga customer ang mga contact info para mapaalalahanan sila ng Meralco sa panahong maaaring maapektuhan ang electricity service.

Noong Hunyo, bumida si Alapag sa Meralco Advisory TV commercial kasama ang mga Meralco executive na sina Joe Zaldarriaga at Maita David, na nagpaalala rin ang basket ball star sa Meralco customers na mag-update ng kanilang contact information at social media accounts.

Patuloy din ang batikang basketbolista sa pagtulong sa kampanya ng Meralco sa pamamagitan ng pagpapa-interview sa broadcast media ukol dito.

Para sa karagdagang impormasyon, maaring bisitahin ang www. meralco.com.ph/updatingyour info  o kaya ang  Meralco official Facebook at Twitter accounts @meralco.

PINTAKASI, KINILALA
SA THE CROUCHING
TIGERS FESTIVAL

121916-crouching-tigers-erik-matti-dondon-monteverde

NAKATANGGAP pala ng The Crouching Tigers festival award para sa pelikulang Pintakasi sina direk Erik Matti at Dondon Monteverde kamakailan.

Ang Pintakasi ay isa sa pelikulang handog ng Reality Entertainment na nagwagi ng best pitch sa Crouching Tigers Project Lab, isang three-day pitching competition na parte ng 1st International Film Festival & Awards Macau (IFFAM).

Ayon kay Direk Erick, sina Dingdong Dantes at Piolo Pascual ang bibida sa Pintakasi na ang istorya ay ukol sa Mamasapano tragedy na napatay ang 44 miyembro ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) commando na naghanap para mahuli ang teroristang si Zulkifli bin Hir o mas kilala bilang si Marwan.

Kasama ng pagkilala mula sa Crouching Tigers ang cash prize na US10,000 na apat na entry ang nakatanggap.

SEKLUSYON, PINURI
NG US ENTERTAINMENT
MAGAZINE

121916-seklusyon

Samantala, isa munang horror film ang handog ng Reality Entertainment sa nalalapit na Metro Manila Film Festival 2016, ang Seklusyon na ukol sa apat na dyakono na haharap sa isang matinding pagsubok o kung hanggang saan ang kanilang pananampalataya.

Ang Seklusyon ang bukod tanging horror-film entry sa MMFF na tunay na kapana-panabik at nakakikilabot.

Kilala ang multi-awarded director na si Matti sa paggawa ng mga de-kalidad ng pelikula tulad ng On The Job at Honor Thy Father. Hindi na rin bago si Direk Erik sa mga pelikulang horror. Nagsimula siya sa pagdidirehe ng seryeng pantelebisyon na Kagat ng Dilim, ang Pa-Siyam na kinikilala hanggang ngayon bilang isa sa kanyang pinakamahusay na obra.

Siya rin ang nagdirehe ng horror-fantasy-box office films na Tiktik: The Aswang Chronicles at Kubot: The Aswang Chronicles 2.

Ang Seklusyon ay isinulat ni Anton Santamaria na nagtatampok sa apat na promising young actors na sina Dominic Roque, John Vic de Guzman, J.R. Versales, at Ronnie Alonte na siyang gaganap na apat na dyakono na papasok sa bahay seklusyon.

Kasama rin dito ang mga beteranong actor na sina Lou Veloso, Neil Ryan Sese, Elora Espano, Jerry O’Hara, Teroy Guzman, at ang napakahusay na batang aktres na sinasabing puwedeng itapat kay Nora Aunor, si Rhed Bustamante, na rebelasyon sa pelikula bilang miracle healer na si Angela.

Introducing din sa pelikulang ito si Phoebe Walker na gumanap bilang si Madre Cecilia. Kung ating matatandaan, si Phoebe ang nagwaging grand prize winner sa katatapos na Amazing Race Philippines.

Kamakailan, nagkaroon ng world premiere ang Seklusyon sa IFFAM.

Sa kabilang banda, binigyan naman ng positibong rebyu si Matti ng  The Hollywood Reporter na si Clarence Tsui.

Aniya, “a grainy, gory parable about the triump of evil.”

Sinabi pa nitong, “Seclusion drips with a ferocity about how false messiahs manipulate meek minds who, as the film’s finale suggests, then propel even more malicious pretenders onto the pedestals of power. The film is Matti’s call for an awakening, and it certainly stirs with spine-tingling moments aplenty.”

 

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *