Nabanggit pa ni Reyes na ang mga ipalalabas o mapapanood na show sa TV5 ay pawang mga presold na.
“The Brillante Mendoza is already presold. Pati ‘yung nakita n’yong shows sa sports or sa Gillas, pre sold lahat ‘yun.”
Ukol naman sa pagdiskubre ng mga bagong talent. Sinabi ni Reyes na gagawin pa rin nila ito sa pamamagitan ng pakikipag-partner sa mga director.
“Instead of finding stars, were doing the other way. We’re going behind the camera with the filmmaking or storyteller. Doon makahahanap ng new actors, talents, etc.”
Sa huli, bagamat iginiit ni Reyes na hindi sila nakatitiyak sa mga pagbabagong gagawin sa Kapatid Network, nais nilang makapaghatid ng kakaibang putahe sa audience.
“If it doesn’t work, it doesn’t work, kinuha ako para magtrabaho. We are doing something different, na hopefully magki-click.”
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio