Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kris Lawrence, proud sa kanta nilang Regalo Sa Pasko

MASAYA at proud si Kris Lawrence sa bagong song nila nina Jay-R at Daryl Ong titled Regalo sa Pasko. Available na ito ngayon at puwede nang i-download sa iTunes. Inusisa namin si Kris ukol sa naturang kanta.

“Well the thing is, Tito Vehnee Saturno, he gathered us. Kasi I love working with Tito Vehnee, Jay-R loves working with Tito Vehnee. And si Daryl Ong, I think Tito Vehnee manages Daryl. So, gustong pagsamahin ni Tito Vehnee yung mga R&B dito. I think, for me, Tito Vehnee’s R&B at heart, feeling ko hiphop artist siya sa puso. So, pinagsama niya and we came up with this really-really beautiful song entitled Regalo sa Pasko,” masayang esplika ni Kris.

Dagdag pa niya, “Iyon yung first song. Pero may niluluto kaming album. Actually nag-premiere ito sa MYX and ayun, pang-Christmas lang, kasi ang tagal na walang bagong Christmas song.”

Paano niya ide-describe ang song na ito?

Sagot ni Kris, “It’s a good song, very heart warming, if you watch the video, actually, I think na-touch yung Mama ko sa video. Our director for the video pala was Nikki Tantiangco, yung anak ni Tita Geleen, So, my Mom watched the video, I think it touched her, sabi niya, “Nakakaawa naman Christian sa ‘Pinas. Like magpapadala ako ng 200 dollars sa ‘yo, bigay mo sa mga bata.’ Naiyak ang Mom ko dahil kawawa naman daw mga bata.”

Ipinaliwanag pa ni Kris kung paano nila ginawa ang video nito. “Thats what we did sa video, we did like a live shoot where nasa van kami, tapos naghanap kami ng homeless, mga ganoon… sumusunod yung camera, mabilis lang. Actual yeah, it was just live.

“Regalo sa Pasko, it’s like, your loved one, the one that you love, malayo siya. So, ikaw yung pinakamagandang regalo sa amin para sa Pasko pag umuwi ka na, parang ganoon,” nakangiting pahayag pa niya.

Inusisa rin namin ang magaling at mabait na singer kung ano na ang latest sa bagong project niyang Trilogy. “Itong Trilogy, I think it’s too late to release it this year kasi kakainin ng Pasko, di ba? So, what I’m gonna do, I’m releasing it top of the year, January 1st 2017 at 12 midnight. Eksaktong ia-upload ko na, bale ito yung Part-1.

“Kasi iyung Trilogy part siya ng buong album, pero yung Trilogy yung pinaka- focus ko. Mabubuo ito, siguro mga March. Kasi ang gagawin ko sa Trilogy, di ba lahat sila may MTV? So, MTV part 1, part 2, part 3, after ng three, iko-compile ko, tapos magiging one fifteen minute short film, may mga eksena sa gitna bale. Mayroon akong leading lady dito, I’m shooting for ten songs.”

Well, sure ako na maraming music lovers at fans ni Kris at ng R&B ang maghihintay sa nilulutong treat na ito ni Kris.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …