Monday , December 23 2024

Walang sasantohin sa BI exec probe — Malacañang

TINIYAK ng Malacañang, walang sasantohin sa isasagawang im-bestigasyon laban sa da-lawang associate commissioners ng Bureau of Immigration (BI) na tumanggap ng P50 milyon kapalit nang pagpapalaya sa 600 mula sa 1,316 Chinese nationals na ilegal na nagtatrabaho sa online casino sa Fontana Resort sa Clark, Pampanga.

Ang dalawang immigration officials at kasama ni Pangulong Duterte sa fraternity sa San Beda College of Law, ay sina-sabing tumanggap ng pera mula kay Jack Lam sa pamamagitan ni Wally Sombrero.

Sinabi ni Communications Asst. Secretary Ana Marie Banaag, kumikilos na ang Department of Justice (DoJ) para tingnan kung may bata-yan ang akusasyon laban sa dalawang opisyal.

Ayon kay Banaag, tiniyak ni Pangulong Duterte, may mananagot kapag napatunayan ang bintang laban sa dalawang immigration associate commissioners.

Batay sa exposè, humihirit nang dagdag na P100 milyon ang dalawang opisyal ngunit tumanggi nang magbigay si Lam.

Sa pay-offs sa online casino
24-ORAS ULTIMATUM
SA 3 BI OFFICIALS

TINANINGAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ng 24-oras ang tatlong opisyal na isinasangkot sa sinasabing ‘lagayan’ para makalaya ang ilang Chinese nationals na nahuli sa illegal online casino sa Clark Freeport, Pampanga.

Ayon kay  Morente, tinaningan niya at pinagpapaliwanag sina Associate Commissioners Al C. Argosino at Michael B. Robles gayondin si Acting BI Intelligence chief,  Director Charles T. Calima Jr., sa nasabing usa-pin.

“I have directed Associate Commissioner Al C. Argosino, Associate Commissioner Michael B. Robles and Acting BI Intelligence chief, Police Director Charles T. Calima Jr., to submit their written explanation within 24 hours of receipt of my memorandum,” ayon sa kalatas ni Morente.

Aniya, ang inisyatibo ng BI ay hiwalay sa isasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniutos ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Magugunitang lumabas sa mga pahayagan, nakalaya ang ilang nahu-ling Chinese nationals kapalit ng P100,000 hanggang P250,000 kada ulo.

(LEONARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *