Sunday , December 22 2024

Solusyong kabobohan pero tama naman!

WALANG masama sa plano ng Department of  Health (DOH) na ipakilala sa kabataan ang ‘supot’ o condom.

Lamang, kinakailangan nang sapat na edukasyon bago ipamahagi sa mga estudyante upang hindi sila malito kung bakit ipinakilala sa kanila ang condom.

Maganda naman ang nakikita nating pakay ng DOH sa naging planong pamamahagi – kung baga, heto na iyon e. Nangyayari na kasi ang katotoha-nan na ang mga kabataan ay masyado nang mapusok na ang naging resulta ay teenage pregnancy. Pero hindi hinggil sa agarang pagbubuntis o premarital sex ang puntirya ng DOH sa plano at sa halip, ang nakaaalarmang bilang insidente na pabata nang pabata ang mga biktima ng HIV/AIDS.

Dahil dito, nagpasya ang DOH na solusyonan ang problema. Solusyon ng DOH na ang problema ay pamamahagi ng condom sa mga eskuwelahan. Bibigyan daw ng condom ang mga kabataan o estudyante.

Para saan ang condom? Para raw hindi magkaroon ng tulo o HIV/AIDS ang mga kabataang mahihilig o maagang pumapasok sa seksuwal na pakikipagrelasyon.

Ang masasabing pangunahing solusyon ng DOH sa malalang problema sa nakamamatay na sakit na hanggang ngayon ay wala pang lunas ay ipakilala at bigyan ng libreng condom ang mga estudyante sa kolehiyo o high school.

Pambihirang solusyon naman o. Kung sabagay, sabihin na natin na ang paggamit ng condom ang isa sa natatangi at pansamantalang solusyon (safe sex)  para makaiwas o hindi magkaroon ng HIV/AIDS, pero hindi ba nakikita ng DOH ang puwedeng mangyari sa plano nila?

Hayun, umani ng batikos ang bobong solusyon ng DOH sapagkat sa nais mangyari ng ahensiya ay lalo nilang itinutulak ang kabataan na puwede nang makipagtalik basta’t gumamit lamang ng condom?!

Hanep, napaka-literal ng solusyon ng DOH. Oo isang bobong solusyon na kung susuriin ay tama naman. Wala pa kasing gamot para sa deadly disease. Kaya lang… solusyon nga ba ito sa padami nang pa-daming biktima ng HIV/AIDS sa mga kabataan?

Pero hindi ba’t mas lalong sisirain ng DOH ang kinabukasan ng mga kabataan sa plano dahil itinutulak nila sa premarital sex ang mga teenager o kabataan? Ngunit kung talagang haharapin ang katotohanan – masyado nang mapusok ang nakararaming kabataan ngayon. Pabata nang pabata na rin ang nag-aasawa nang maaga o nabubuntis na teenager. Ang pinakabatang nagbuntis nga raw ay 10 years old.

Grabe! Kaya may punto naman ang DOH. Iyon nga lang masasabing bobong solusyon na tama naman.

So, ano ang dapat na solusyon kung hindi tanggap ng nakararami ang planong condom solution ng DOH?

Sapat na edukasyon (daw). Tama! Kinakailangan habang maaga (sa high school) palang ay dapat nang ipaliwanag sa mga kabataan ang hinggil sa naturang sakit – ang masamang dulot ng maagang pakikisipin.

Hindi lang sa-kit na AIDS ang puwedeng kahara-pin kundi ang kinabukasan lalo na kapag nabuntis ang kanilang partner.

Actually, noong high school ako, itinuro na sa amin sa St. Paul College ang hinggil sa premarital sex. Ang negatibong dulot nito. Ibig kong sabihin ay noon pa man ay hindi na nagkulang ang eskuwela-han sa pagbibigay babala at naniniwala tayong ma-ging ngayon sa iba’t ibang paaralan ay hindi rin nagkulang ang mga guro para rito pero, ba’t kaya tila hindi epektibo sa nakararaming kabataan ngayon?

Dahilan ba iyong – iba na talaga ang kabataan ngayon? No! Sa halip, gawin natin ang ating bahagi mga kabababayan lalo na tayong mga magulang. Maraming dahilan kung bakit nangyayari ito sa mga kabataan. Puwedeng malaki ang pagkukulang ng magulang sa anak kaya nang makahanap nang kanlungan ay nauwi sa maagang pagbubuntis o pagkakasakit na tulo o HIV/AIDS.

‘Ika nga, tamang disiplina ang dapat  – hindi  iyong pagdidisiplinang lalong itutulak ang bata sa pagrerebelde o ano pa man na mauwi sa ibang bagay. Sabi nga sa Biblia… “Fathers (meaning parents), do not exasperate your children; instead, bring them up in the training and instruction of the Lord.” (Ephesians 6:4).

Sa paraan ito o naaayon sa utos ng Diyos, hindi maliligaw ng landas ang mga kabataan. Meaning, hindi lang ang DOH ang dapat na kumilos para solusyonan ang problema sa kabataan, kundi gawin ng bawat magulang ang kanilang responsibilidad sa kani-kanilang mga anak.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *