Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Solenn, sa ‘Pinas feel mag-Pasko

MAS feel pala ni  Solenn Heussaff  na sa ‘Pinas laging mag-Pasko dahil paborito niya ang Noche Buena. kasi naman, ew bawat Pasko, hanap niya talaga ang Real Holiday experience.

Pranses ang ama ni Solenn, habang ang kanyang ina naman ay isang Pinay. Nakailang Pasko na siya sa ibang bansa. “May snow pero wala masyadong lights. ‘Yun ang gusto ko rito sa Philippines. Mahilig tayong mag-decorate. Kahit hindi pa Christmas, three months before, Christmas na agad. You hear Christmas songs on the radio. Sa bawat kanto, may Christmas lights na. You really feel the joy and spirit.”

At dagdag pa sa saya niya tuwing Pasko ay ang family bonding at exchange gift. Ang kanyang ina at kapatid na si Erwanang madalas magluto tuwing Noche Buena ayon kay Solenn.

“We always have cheese, caviar and ham. Pinaka-favorite ko ‘yung ham every Christmas,” dagdag niya.

Maraming nag-aakala na vegetarian si Solenn dahil sa fit at sexy nitong pangangatawan. Pero sa totoong buhay, si Solenn ay isang meat-lover.

Kaya perfect na si Solenn ang bagong endorser ng Holiday Ham by CDO Premium. Pinagsasama nito ang dalawang favorite niya – and Pasko at ham. ”I am happy to endorse a product I believe in. I love bacon, tocino and ham perosobrang mapili ako sa brands. Gusto ko ‘yung real and authentic. I hate extenders,” giit ni Solenn.

Nang hingian siya ng tips sa pagpili ng perfect Christmas ham, ito  payo niya,  ”Look for the net marks sa actual ham na binibili ninyo, hindi lang sa packaging o sa ads. Only whole-meat hams can be smoked in ham nets and we know that whole-meat ham ang best choice.

“Maraming hams ang gawa lang sa mga pinagtagpi-tagping cuts ng pork. Tapos pinagsasama-sama lang. It turns me off. Hindi ganoon ang Holiday Ham,” sabi ni Solenn. “Holiday Ham has no extenders. See it for yourself. Makikita niyo na wala itong patches. Madali itong i-slice. At dahil wala itong extenders, it is naturally-flavorful and juicy.”

Ang Holiday Ham by CDO Premium ay gawa sa one real and whole boneless meat mula sa pigue ng baboy, ang premium cut at best part ng pork para sa mga hamon.

Busy ngayon si Solenn sa kanyang pangalawang exhibit at sa acting career niya. “Tuloy pa rin ang Encantadia, A1 Ko Sa’Yo,tapos Trip Pinas every Saturday and Taste Buddies na nasa fourth year na.” Ngunit kahit pa sikat na sikat na siya ngayon bilangisang “It Girl,” real na real parin si Solenn.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …