Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Osang at Blessie, binasbasan ng isang Katolikong Pari

ISA nang ganap na Mrs. Jennifer Adriano-Arias (married to Blessy, a businessman) si Rosanna Roces ngayon makaraan ang kanilang pag-iisang-dibdib sa seremonyang ginanap sa Alexa Secret Garden sa Cupang, Marikina nitong December 10 na si Father Cipriano Agbayani ang nagkasal sa kanila.

No less than Osang’s former Startalk co-host na si Butch Francisco ang naghatid sa kanya sa altar, habang tumayo namang Bible bearer ang 12-anyos niyang apo na si Gab (anak ni Grace kay Jolo Revilla) at isa pang anak ni Grace (by another man) bilang flower girl.

Present si Nora Aunor na isa sa mga ninang, habang ninong naman ang mga nakatrabahong indie film director ng bride na sina Neal Buboy Tan at Adolf Alix. No show ang ninang na si Wilma Galvante, dating GMA executive, na nasa Singapore raw.

Ayon kay Tito Butch, Osang—dressed in ivory-colored wedding gown—seemed to put on weight pero hindi maitago ang ganda nito maging ang pananabik sa bagong yugto ng kanyang buhay. May mga eksena pa raw na panay ang kiss ni Osang kay Blessie prompting the guests to think na mahal na mahal nito ang pinakasalan.

Nakaputing tuxedo at itim na pantalon naman si Blessie, karay ang kanyang biological daughter na si Camille.

Sa tantiya ni Tito Butch, aabot lang sa 50 ang imbitado, less than 20 rito ang kabilang sa LGBT community. “Hindi naman kasi ‘yun ‘yong kasal na inaasahan mong dadaluhan ng puro LGBT lang, there were more straight guests.”

Dumalo rin ang bete-ranang aktres na si Daria Ramirez na minsan nang nakatrabaho ni Osang sa pelikula.

Interestingly, isang Catholic priest ang nagkasal kina Osang at Blessie, the two being the 808th LGBT pair na binasbasan na ni Fr. Agbayani. Tumanggap pa raw ang dalawa ng Holy Communion.

Ang nakaaaliw, sa halip na ihagis ni Osang ang kanyang bridal bouquet after the wedding ay kulay berdeng men’s underwear ang nasalo ng isang single lady.

Nagsilbi namang giveaways ang sikat na brand ng condom, na noong ikinukuwento ni Tito Butch sa amin ay iisa lang ang aming tanong: para saan kung ang gagamit ay tulad nina Osang at Blessie?

Pamilyar sa aming pandinig ang pangalan ng isa pang ninong, madalas kasi itong batiin ni Lolit Solis (dati ring co-host ni Osang sa Startalk at former manager).  May-ari ito ng isang detergent powder who gifted the newly weds tickets for two to Phuket, Thailand para sa kanilang honeymoon.

Mula sa pinagdausan daw ng kasal ay dalawang hakbang lang ang layo sa reception. According to Tito Butch, feast on one’s palate ang mga pagkain dahil sa sobrang sarap nito.

And mind you, ang venue na isang events place (na kung tutuusi’y hindi mukhang literal na garden), ang pagkain at ang mga kasuotan nina Osang at Blessie ay sponsored lahat.

Masaya kami kay Osang dahil mukhang natagpuan na niya ang tunay na kahulugan ng kaligayahan sa kanyang buhay.

To her and Blessie, congratulations and best wishes!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …