DAPAT ang Land Transportation Office (LTO) na mismo ang magpadala sa Koreo para sa mga aplikante ng mga hindi pa nailalabas na driver’s license.
Sinabi ni Quezon City Rep. Winston Castelo, chairman ng House committee on Metro Manila Development, ang delay sa releasing ng driver’s license ay nagdulot nang matinding abala sa mga motorista na pabalik-balik sa opisina ng LTO.
Nauna nang nagpaliwanag ang LTO, hindi pa nila maipalalabas ang naturang mga lisensiya dahil hindi pa sapat ang supply ng plastic cards.
Ngunit sagot ni Castelo, hindi na ito problema ng mga motorista, kundi ng LTO mismo.