Saturday , November 16 2024

Lady jail officer, 1 pa todas sa buryong na preso (Sa Tarlac jail)

DALAWA ang kompirmadong patay, kabilang ang isang jail officer, makaraan magkaroon ng putukan sa loob ng isang selda sa Camiling, Tarlac na humantong sa hostage-taking nitong Linggo.

Sinabi ni Chief Supt. Aaron Aquino, hepe ng Central Luzon Police, dakong 10:20 am nang mang-agaw ng baril ang presong kinilalang si Rolly Falcon at pinaputukan ang hindi pa pinangalanang babaeng jail officer na agad binawian ng buhay.

Nauwi sa enkwentro ang pamamaril ni Falcon kaya’t napatay ang suspek ng nagrespondeng mga pulis.

Sugatan sa insidente ang dalawa jail officer at isang preso.

Makaraan nito, tumakas ang dalawang preso na kinilalang sina Drackilou Falcon at Marlon Altizu.

Ayon kay Aquino, nang habulin ng mga pulis si Altizu ay nang-hostage ang preso ng isang 6-anyos bata sa kalapit na lugar.

Ngunit makaraan ang ilang oras na negosasyon, sumuko ang suspek at ligtas na napakawalan ang bata pasado 4:00 pm habang balik-selda ang nasabing preso.

Nagsasagawa ng follow-up operation ng Tarlac police upang maaresto ang isa pang nakatakas na preso.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulis-ya sa nasabing insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *