Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bolante absuwelto sa plunder (Sa P723-M fertilizer fund scam)

Bolante absuwelto sa plunder (Sa P723-M fertilizer fund scam)

INABSUWELTO ng Sandiganbayan Second Division si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Joc-Joc” Bolante kaugnay nang kinakaharap na sa P723 milyong fertilizer fund scam.

Sa 24-pahinang desisyon ng anti-graft court, pinawalang sala si Bolante sa kasong plunder dahil sa kakulangan ng mga ebidensiyang isinumite ng prosecutors laban sa da-ting opisyal.

“There is no document and/or testimony submitted to establish that accused Bolante received this unliquidated amount so as to make him probably guilty of the crime of plunder,” bahagi ng nakasaad sa desis-yon ng Sandigan.

Nitong nakaraang Agosto nag-isyu ng ruling ang anti-graft court, nagsasabing hindi sapat ang mga ebidensiya para mapanagot si Bolante.

Nag-ugat ang kanyang kaso sa anomalya sa fertrilizer funds sa kasagsagan ng pangangampanya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004.

Kabilang din sa mga akusado si dating Assistant Agriculture Secretary Ibarra Poliquit at fertilizer suppliers na sina Jaime Eonzon Paule, Marilyn Araos, Joselito Flordeliza, Marites Aytona, Jose Barredo at Leonicia Marco-Llarena.

Kasama rin sa co-accused si Arroyo sa kasong graft ngunit inabsuwelto ng Ombudsman dahil sa kakulangan ng ebidensiya.

Inaprobahan ang resolusyon nina Justices Samuel R. Martires, Michael Frederick L. Musngi at Geraldine Faith A. Econg.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …