
Naging matagumpay ang ginanap na BNY Search for the NextGen Ambassadors last Sunday sa Kia Theater. Dinaluhan ito ng mga BNY endorsers na sina Jake Vargas, Michelle Vito, Joshua Garcia, at Barbie Forteza na nagbigay ng opening number. Twenty male and female finalists ang naglaban-laban mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Dumalo rin bilang isa sa mga hurado ang pioneer endorser ng BNY Jeans na si Gellie de Belen kasama sina Wilma Doesnt, Michael Carandang, at Xander Angeles. Ilan naman sa mga naging performers ay sina CJ Navato, Kristel Fulgar, Bryan Santos, Marlann Flores, Jem Cubil, Girltrends, Claire Hartell, at Pamu Pamorada. Sa huli itinanghal na BNY’s NextGen Ambassadors sina Markus Paterson (no.16) at Nicole Grimalt (no. 9).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com