SAMANTALA, nagsama-sama ang mahigit 30 pinakamalalaking artists ng Star Music para markadahan ang isa na namang tagumpay, ang pagtala ng YouTube channel nito ng isang milyong subscribers. Ito ang ikapitong YouTube channel sa bansa na nagkaroon ng isang milyong subscribers sa naturang video-sharing service.
Tampok sa 2016 versin ng Salamat sina Yeng, Janella, Ylona Garcia, Bailey May, Angeline Quinto, Erik Santos, Kaye Cal, Marion Aunor, Daryl Ong, Bugoy Drilon, Liezel Garcia, Jovit Baldivino, Sue Ramirez, Inigo Pascual, Michael Pangilinan, Jed Madela, Morissette Amon, Klarisse De Guzman, Jamie Rivera, Jolina Magdangal-Escueta, Juris, Vkina Morales, Jona, Migz & Maya, Gloc 9, KZ, Piolo Pascual, Kim Chiu, Xian Lim, Enchong Dee, Tim Pavino, Alex Gonzaga, Enriqur Gil, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, at Vice Ganda na sama-samang magbibigay ng bagong tunog sa 2007 hit ng pop rock princess.
Sabay-sabay din itong napakingan kahapon sa MOR 101.9, Myx, OneMusic.PH, Spotify, at iTunes.
“Pasasalamat ko ito sa lahat ng fans na sumusuporta sa akin sa 10 years ko sa industriya at sa lahat ng fans ng lahat ng Kapamilya artists ng Star Music,” giit ni pa Yeng.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio