Thursday , December 26 2024
The Senate Committee on Public Services is conducting an inquiry on the possibility of granting “emergency powers” to President Rodrigo Duterte so the government can address the chaotic traffic problem in Metro Manila and other urban areas. Among those who attended are Department of Transportation (DOTr) secretary Arthur Tugade and Undersecretaries Bobby Lim and Noel Kintanar. (Photo: Joseph Vidal/Prib)

RUPA, ‘tailor-made’ na organisasyon para patalsikin si DOTr Sec. Arthur Tugade

ISANG organisasyon na nagpapakilalang Road Users Protection Advocates (RUPA) ang nagpa-press release na dapat daw patalsikin si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade dahil protektor daw siya ni casino tycoon Jack Lam.

Noong panahon daw kasi na pumasok si Lam sa Clark ay si Sec. Tugade ang presidente ng Clark Development Corporation (CDC).

Hayop naman pala ang logic nitong RUPA. Parang “the king is a ruler, the ruler is 12 inches long, therefore, the king is…”

Sabi nga ni Transportation Assistant Secretary Cherie Mercado, hindi komo locator si Lam sa Clark at si Tugade ay presidente ng CDC, ‘e pareho na sila ng ginagawa.

Sa totoo lang, mahigpit umano si Secretary Tugade noong siya ang presidente ng CDC lalo na sa pag-aapruba ng business process outsourcing dahil ayaw nga niyang magamit ito sa online gambling.

Ayon mismo kay kasalukuyang CDC president Noel Manankil, mahigpit sa pagpapatupad ng mga patakaran at kautusan si Sec. Tugade. Ilang malalaking casino nga ang ipinasara niya dahil hindi nagbabayad ng obligasyon nila sa gobyerno.

Tiniyak din ni Sec. Tugade na nagsusumite ng mga dokumento ang mga locator kapag nag-a-apply para sa work permits bago iendoso sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa Bureau of Immigration (BI).

Sa inisyal na imbestigasyon at pagtatanong, natuklasan na ang RUPA ay mukhang binuo lamang para sa layuning i-single out o patalsikin si Sec. Tugade.

Para raw sila sa road users, pero sa totoo lang wala man lang ginawa, kahit isang adbokasiya para sa road users. Walang profile o mission statement at ang kanilang Facebook page ay bagong gawa lang.

Ilan lang ‘yan sa matitingkad na obserbasyon ng mga taga-DOTr.

In short, mayroong ‘kumikita’ para patalsikin si Sec. Tugade. Sino kaya ang principal?!

Pero sabi nga, you cannot put a good man down. Imbes aksayahin ni Sec. Tugade ang pagsagot sa mga gawa-gawang intriga, mas focus ang kalihim para mailabas ang mga nakabinbing driver’s license card sa first quarter ng Enero 2017.

Inaayos na rin ang muling pagbubukas ng biyahe ng Philippine National Railways (PNR) patungong Bicol, relaunching ng Pasig Ferry system, at opening ng Ninoy Aquino International Airport Expressway section.

At higit sa lahat, ang prayoridad na tutukan ang pagsasaayos ng trapiko sa mga pangunahing kalsada sa Metropolis.

Tsk tsk tsk…

Malamang ‘maglupa’ ‘yang RUPA kaaambisyon na patalsikin si Sec. Art Tugade.

By the way, alam na kaya ni Sec. Tugade kung sino ang mga nagtatago sa likod ng RUPA?

Kung  sino man sila, sisiw ‘yan kay Madam Cherie M!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *