Saturday , November 16 2024

Paglago ng INC patuloy (Puspusang nagpapalaganap sa Africa)

120916_front

MATAPOS makapagtayo ng mga bahay-sambahan sa Africa, inihayag kamakailan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang tagumpay ngayong taon na ang kanilang pagpapalaganap kasabay ng pana-nampalataya, pakikiisa, kawang-gawa at pagkakaunawaan sa harap ng maraming hamon sa mundo ay lalo pang nabig-yan ng pagpapahalaga sa pagtatapos ng taon.

“Naharap sa mara-ming hamon ang INC sa taong ito, ngunit sa awa’t tulong ng Diyos ay ma-tagumpay naming nalampasan ang mga hadlang nang may panibagong lakas at pagkakaisa,” paliwanag ng General Auditor ng INC na si Glicerio B. Santos Jr.

“Dito at sa buong mundo, nananatili ang sigalot sa pampolitikang liderato, pabago-bagong klima, at ugnayan ng mga bansa. Bagamat hindi ito kabilang sa direktang prayoridad ng Iglesia, patuloy naming pinapakinggan ang idinudulog sa amin – ng mga kapatid man o hindi – tungkol sa mga usaping ito. Ang INC ang kanilang ligtas at maginhawang espirituwal na kanlungan sa gitna ng araw-araw nilang hamon. Ang INC ay lu-maganap na sa buong mundo na yumayakap sa anumang lahi at antas ng lipunan. Ang mensahe ng kaligtasan na aming isinisiwalat ay para sa lahat,” pahayag ni Santos.

Umabot sa 16 bansa sa kontinente ng Africa ngayong taon ang ma-tagumpay na naabot ng pamamahayag ng INC. Dalawang bagong gusa-ling sambahan ang naihandog at walo ang nakatakdang ipatayo sa susunod na taon sa gitna ng pinaigting na pagbabalik-loob at bautismo sa South Africa at Kenya.

Ang bautismo ay pinakahuling hakbang bago maging ganap na kaanib sa Iglesia. Libo-libong bautismo ang aming naisagawa sa Africa, at mga likas na tagaroon – hindi mga Filipino na nakabase sa nasabing kontinente – ang sumailalim dito, ani Santos.

Marami nang naisagawang Lingap sa Mamamayan; (Aid  for Humanity) outreach program sa King Williams Town, Johannesburg at Ladybrand sa South Africa, Nairobi at Kiberia sa Kenya, at Maseru at Semongkong sa Lesotho.

Nakapagpatayo ng eco-farming communities sa South Africa upang bigyan ng kabuhayan ang mahihirap na mamama-yan doon. Nakatakdang isakatuparan ang katulad na mga proyekto sa taong 2017 na magpapakita ng pinaigting na pagpapalaganap sa marami pang bahagi na lubhang nangangailangan sa materyal at espirituwal na pagkalinga.

Dahil sa pagpapalawak ng Iglesia sa mara-ming bahagi ng mundo, matagumpay na naitatag sa iba’t ibang bansa. Ang paglagong ito ng INC ay lalo pang pinabilis sa ilalim ng pamumuno ni Executive Minister Eduardo V. Manalo.

Sa loob ng pitong taon mula nang mangasiwa si Bro. Eduardo V. Manalo sa INC noong Setyembre 2009, umabot sa 1,669 gusaling sambahan ang naihandog sa Filipinas at sa ibayong dagat.

“Kami ay Iglesiang nakatuon sa hinaharap na nagsisilbi sa kapakanan ng mga miyembro at hindi man kasapi, sa alinmang bahagi ng mundo na uhaw sa biyayang-espirituwal. Lalo pa na-ming pabibilisin ang pagpapalawak kasabay ng pagpapanatili sa pagkakakilanlang Filipino ng Iglesia ni Cristo,” dagdag ni Santos.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *