Saturday , November 16 2024
President Benigno S. Aquino III addresses the nation during the Press Briefing at the Heroes Hall of the Malacañan Palace on Monday(July 14, 2014). (Photo by: Ryan Lim/ Malacañang Photo Bureau).

Noynoy No.1 human rights violator

HABANG nakatakdang gunitain ng bansa ang Human Rights Day bukas (Sabado), binigyang-diin ng isang party-list lawmaker na dapat mapanagot si da-ting Pangulong Benigno Aquino III sa alegas-yong paglabag sa karapatang pantao sa kanyang termino.

Sinabi ni  Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, walang naging tunay na progreso sa paggawad ng katarungan sa mga naganap na seryosong pang-aabuso ng administrasyong Aquino.

“The Aquinos should also be made [accountable] and compensate the victims of human rights violations while they were in po-wer,” diin ni Zarate.

Sumang-ayon si  Ka-bayan party-list Rep. Harry Roque kay Zarate, at idinagdag na lahat ng nakaraang pangulo ay dapat managot sa karahasan at kawalang katarungan sa kanilang administrasyon.

“I have always maintained that all presidents should be held liable for violating right to life,” pahayag ni Roque.

Ayon sa World Report 2016, sinabi ng Human Rights Watch, ang performance ni Aquino sa punto ng human rights ay “disappointing.”

“Since his election, President Aquino held out the promise of a rights-respecting Philippines for which he has sadly been unable to deliver,” pahayag ni Phelim Kine, deputy Asia director of Human Rights Watch.

Base sa data mula sa local groups, sinabi ng Human Rights Watch, 65 leftist activists, human rights defenders, at hinihinalang supporter ng communist rebels ang napatay sa unang 10 buwan ng taong 2015.

Magmula nang maupo sa puwesto si Aquino noong 2010, halos 300 katao ang napatay.

(HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *