Saturday , November 16 2024

15 estudyante, guro sugatan sa asong ulol

ZAMBOANGA CITY – Umaabot sa 15 katao ang nakagat ng asong ulol na pumasok sa dalawang paaralan sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan.

Sinasabing karamihan sa mga naging biktima ay mga estudyante kasama ang ilang guro at ang dalawang bata.

Ayon sa impormasyon, unang nakapasok ang asong ulol sa Basilan National High School (BNHS) at bigla na lamang kinagat ang ilang estudyante at guro.

Pagkatapos nito ay nakatakbo palabas ang aso at pumasok din sa Claret College of Isabela (CCI) at nakagat din doon ang ilan pang estudyante at guro.

Agad nagresponde ang medical team ng Isabela City para madala agad sa pagamutan ang mga nakagat na biktima at agad binakunahan ng anti-rabies.

Karamihan sa mga biktima ay nakagat ng aso sa kanilang mga paa.

Hindi matukoy kung napatay na ang nasabing ulol na aso dahil masyado itong agresibo at nakatakbo palayo ng paaralan.

Inaalam ng mga awtoridad kung may nagmamay-ari sa nasabing aso o isa siya sa napakaraming mga asong kalye.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *