Friday , November 15 2024

P/Chief Supt. Eleazar a well deserving officer

HULYO 2016 nang maupong acting District Director ng Quezon City Police District (QCPD) si Chief Supt. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar.

Siya’y isang Senior Superintendent nang palitan niya si Chief Supt. Edgardo G. Tinio.

Nang ipagkatiwala ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa thru Director Oscar Albayalde, National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, ang QCPD kay Eleazar, masasabing naharap sa malaking pagsubok ang bagong promoted na Heneral, si Eleazar.

Oo nga pala, habang isinusulat ang pitak na ito ganap na 11:30 am, Disyembre 7, 2016, nakatakdang isagawa ang donning of ranks (para sa pagka-heneral o Chief Superintendent) ni Eleazar.

Opo promoted na si Eleazar, mulang Senior Superintendent siya’y isang ganap nang Chief Superintendent o Heneral. May isang bituin na sa kanyang balikat.

Congratulations Chief Supt. Guillermo Lorenzo Tolentino Eleazar.

Your really deserved it boy, este Sir!

Ano pa man, oo pagdating ni Heneral sa QCPD ay nahaharap siya sa malaking hamon. Hindi lang simpleng pagsubok sa kanyang kakayahan ang kakaharapin niya kundi mabigat dahil nakaladkad sa malaking kontrobersiya ang distritong ipinagkatiwala sa kanya.

Hindi naman siguro maipagkakaila sa inyong mga kababayan na naging kontrobersiyal ang QCPD. Nakaladkad ang distrito sa problema sa ilegal na droga sa Metro Manila.

Maraming pulis-Quezon City ang nasabit sa droga lalo ang mga nakatalaga sa District Anti-Illegal Drugs (DAID) at Station Anti-Illegal Drugs (SAID). Maraming QC pulis ang sinasabing dawit sa pagkakalat ng droga o kabilang sa mga nabansagang “ninja cops.”

Pero hindi ito naging hadlang kay Eleazar at sa halip, hinarap niya ang malaking hamon. Nilinis niya ang hanay ng pulisya sa QCPD lalo ang DAID at SAID.

In short, winalis ng opisyal ang mga kilalang “ninja cops” sa QCPD. Nakalulungkot nga lang at ang iba sa ninja cops ay tila ayaw magbago at nagpatuloy sa pagbebenta ng droga kaya napatay matapos manlaban sa mga isinagawang buy bust operation. Kabilang sa napatay ay isang may ranggong Chief Inspector na nakatalaga sa DAID.

Habang ang iba, ipinatapon ng Heneral sa Mindanao. Sa ngayon patuloy ang ginagawang paglilinis ni Eleazar sa QCPD at masasabing, wala nang nalalabing ninja cops sa QCPD.

Kung mayroon man, I doubt kung mayroon pa – pero kung mayroon man, hindi na sila magtatagal pa.

Hindi lang ito ang nilinis ni Eleazar sa tulong ng bumubuo ng QCPD, mula PCP hanggang pinakamataas na opisina ng pulisya, kundi ma-ging ang kriminalidad. Malaki ang ibinaba ng krimen sa QCPD lalo nang seryosong ipatupad ni Eleazar ang kampanya laban sa droga sa pa-mamagitan ng “Oplan Tokhang” na batay sa kautusan ni Dela Rosa at Albayalde base sa direktiba ni Pangulong Duterte.

Sa walang humpay na pagtutulungan ng bumubuo ng QCPD, masasabing nabawi ni Eleazar ang pagrespeto ng mamamayan sa QCPD. Dahil dito, buo ang suporta ng mamamayan ng QC sa QCPD laban sa krimi-nalidad lalo na sa droga. Ang mamamayan mismo, ang nagbibigay ng impormasyon sa QCPD sa mga kinaroroonan ng mga nalalabi pang tulak.

Uli, bilang mamamayan din sa QC sir, congratulations at maraming salamat  sa iyo ma-ging sa bumubuo ng QCPD.

Si Eleazar nga pala ay ipinanganak sa Maynila noong November 13, 1965. Siya ay kasal kay Rosalie Hernandez-Eleazar, at mayroon silang apat na anak.

Ang Heneral ay pumasok sa Philippine Military Academy noong 1983 at nagtapos bilang isang cum laude noong 1987.

Natapos niya  ang  kanyang  Masters in Public Administration (MPA) sa Philippine Christian University noong 2004.

Siya ay isang high school alumni sa Tag-kawayan, Quezon’s Judge Guillermo Eleazar Memorial  School  of  Fisheries  (JGEMSOF) noon 1982 at natapos niya ang kanyang  elementary education sa Tagkawayan Elementary School noong 1978.

Marami pang patungkol kay Heneral, marahil sa mga susunod na araw ay tatalakayin natin.

Anyway, General Eleazar, congratulations again.

A well deserving police officer.

AKSYON AGAD – Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *