Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Criminology student tiklo sa drug raid

GENERAL SANTOS CITY – Arestado ang isang 2nd year criminology student sa buy-bust operation ng Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG) sa lungsod.

Kinilala ni Supt. Maximo Sebastian Jr. ng RAIDSOTG, ang suspek na si Asrap Belon Usman, 22, residente ng Brgy. Sinawal nitong lungsod, at nag-aaral sa isang pribadong kolehiyo.

Positibong nabilhan nang nagpakilalang posuer buyer na pulis si Usman ng isang sachet ng shabu sa halagang P500 sa isang restaurant sa Quezon St., Brgy Dadiangas North sa lungsod.

Bukod dito, narekober din sa kanyang posisyon ang siyam pang sachet ng shabu na may estimated market value na mahigit P60,000.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa suspek na nakapiit sa selda ng Pendatun Police Station.

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *