Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vince & Kath & James, online series na patok na patok at panlaban ng Star Cinema

TAMIS ng true love naman ang ibinabandera ng Star Cinema sa kanilang handog na Vince & Kath & James sa Metro Manila Film Festival 2016 entry na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Ronnie Alonte, at Julia Barreto na idinirehe ni Ted Boborol.

Kung ating matatandaan si Direk Boborol ang may likha ng mga nag-hit na Just The Way You Are at ng mga top rating series sa ABS-CBN na Angelito: Ang Batang Ama, Annaliza, Forevermore, at Be My Lady.

Hango ang Vince & Kath & James sa patok na patok na online romantic series na pinamagatang Vince & Kath. Sa online series, ipinakikita ang istorya sa pamamagitan ng mga screenshot ng text messages ng mga pangunahing tauhan nito at ito ang mga dahilan kung bakit naging viral at sikat na sikat sa social-serye at sinusundan ng ‘di mabilang na mga online reader. Nakuha kamakailan ng Star Cinema ang rights ng sikat na seryeng ito at idinevelop sa isang mini-franchise at ang big screen adaptation nito ang grand opening salvo.

Sa orihinal na online social-serye, umiikot ang istorya sa ligawan nina Vince (Joshua) at Kath (Julia) na makikita sa palitan nila ng text messages sa isa’t sa. Magsisimula ang istorya kay Vince bilang secret admirer na magpapakilala kay Kath. Ang adisyon namang si James (Ronnie) sa pelikula ay magbibigay ng refreshing exciting twist sa Vince & Kath & James.

Lasapin ang tamis ng true love ngayong holiday season at sundan ang romance-filled journey nina Vince, Kath, at James sa Vince & Kath & James na mapapanood na sa Disyembre 25.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …