Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sweet 16 na-gang rape ng 4 totoy

CAUAYAN CITY, Isabela – Sinampahan ng kasong rape ang apat kalalakihan na inakusahang halinhinang gumahasa sa isang dalagita sa Santiago City.

Nakakulong na ang mga suspek na kinabibilangan ng isang 18-anyos binatilyo at tatlong menor de edad na 13 hanggang 17-anyos.

Ang biktimang si alyas Alet, 16-anyos, ay nasa pangangalaga na ng “Bahay Namnama” sa Balintocatoc, Santiago City.

Nagsumbong sa Presinto 2 ng Santiago City Police Office (SCPO) ang dalagita makaraan gahasain ng apat na kaibigang lalaki.

Ayon kay Chief Insp. Reynaldo Maggay, station commander ng Presinto 2, unang nagreklamo si Alet sa mga barangay tanod.

Lumabas sa imbestigasyon ng SCPO, nag-inoman sa isang beerhouse ang biktima at apat na kaibigan ngunit nagkasundo na lumipat sila sa bahay ng isa sa mga suspek.

Nang mahilo ang dalagita ay dinala siya sa isang silid at unang gumahasa sa kanya ang 18-anyos na suspek bago sumunod ang tatlong menor de edad.

Inaresto at agad kinasuhan ng mga pulis ang mga suspek makaraan magsumbong ang biktima sa SCPO.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …