Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sabi ni Trillanes: Pahayag nina Dayan at Espinosa kontrolado

TAHASANG sinabi ni Sen. Antonio Trillanes IV, parehong hindi credible o kapani-paniwalang mga testigo ang itinuturing na drug lord na si Kerwin Espinosa at ang dating driver/lover ni Sen. Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Aniya, hindi kapani-paniwala ang mga pahayag ng dalawa dahil “under duress” o pinipuwersa silang ihayag ang mga iniuutos sa kanilang sabihin kahit kasinungalingan na ito.

Aniya, tila may nakatutok na baril sa ulo ng dalawa kaya napipilitan silang magsinungaling.

Ayon kay Trillanes, kung titingnan ang blue book ni Kerwin at ang kanyang affidavit, lumalabas na pinili lamang ang mga taong kanyang ilalaglag.

Wala rin aniyang masabing negatibo laban kay De Lima ang dating driver na si Dayan, kaya ginagamit na lamang ang koneksiyon ni Kerwin sa lady senator.

Magulo rin aniya ang mga sagot ni Dayan sa bawat tanong dahil pawang kasinungalingan lamang ang mga sinasabi.

Makaraan
ma-contempt
DAYAN MAY
BAGONG
IKAKANTA

NAGING positibo pa rin ang resulta nang pagharap ni Ronnie Dayan kaya pinauwi na siya makaraan ma-cite ng contempt.

Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, kamakalawa ng gabi ay bumiyahe si Dayan, kasama ang mga bantay patungo sa Pangasinan.

“Kaya binibigyan natin ng pagkakataon para mahimasmasan,” wika ni Lacson.

May mga bago rin daw silang natuklasan sa testimonya ng dating driver ni Sen. Leila de Lima, kahit tila bitin pa rin sa ibang detalye.

Kabilang na rito ang pagtanggap ng pera kina dating National Bureau of Investigation Deputy Director Rafael Ragos at dating Bureau of Corrections (BuCor) Director Franklin Bucayu na hindi dati binanggit sa Kamara.

“Ngayon may nadagdag sa inamin niya, na kay Ragos, naroon siya, nang nagdala ng pera si Ragos, P5 milyon. Sabi niya di dumaan sa kanya. Pero statement ni Ragos at Ablen, sa kanya inabot at inabot niya kay Sen LDL. Ang ‘di malinaw sa Bilibid inmates dahil completely sabi niya di niya kilala wala siyang natanggap na pera. Pero kay Dir Bucayu sinabi niya may natanggap siya although minimal ang amount,” dagdag ni Lacson.

Tiniyak ni Dayan na maglalahad siya ng mga bagong impormasyon sa susunod na pagdinig.

Sa kasalukuyan ay wala pang schedule ng susunod na pagdinig ang Senate committee on public order and dangerous drugs.

DE LIMA KULONG SA 2017
— ALVAREZ

INIHAYAG ni House Speaker Pantaleon Alvarez, kailangan nilang maging mas maingat sa posibilidad na ipaaresto si Sen. Leila de Lima.

Bukod sa iniiwasan nilang humantong ang sitwasyon sa banggaan ng Senado at Kamara, nangangamba si Alvarez na baka magamit lamang ni De Lima ang pagpapaaresto sa kanya upang makahatak ng simpatya sa publiko.

Gayonman, umaasa pa rin siya na sa susunod na taon ay tuluyan nang maaaresto ang senadora.

Iginiit ng lider ng Kamara, dapat nang masundan nang paglilitis kay De Lima ang mga ikinasang imbestigasyon ng Kamara hinggil sa pagkakasangkot sa pag-laganap ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison, pati na rin ang mga reklamo kinakaharap ng senadora.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …