Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, gagawing extra special ang Pasko para sa anak na si Aiden Seagal

BABAWI si Nikko Natividad sa kanyang anak na si Aiden Seagal sa darating na Pasko. Si Aiden Seagal ang isa’t kalahating taon na anak ni Nikko sa kanyang non-showbiz girlfriend.

Matatandaang noong nasa Bahay ni Kuya si Nikko bilang isang Housemate ay inamin niyang may anak na siya. Ngunit hindi niya ito maamin sa publiko dahil sa pag-aalala sa posibleng negatibong epekto nito sa kanyang showbiz career.

Ayon kay Nikko, mas enjoy siyang kasama ngayon ang kanyang anak dahil lumalaki na ito.

“Special po sa akin ang Paskong ito, lalo na kasama ko ang anak ko. Palaki na siya nang palaki, kaya mas lalong masarap siyang kasamang mamasyal ngayon dahil nakaka-appreciate na siya ng mga bagay-bagay,” saad ng Hashtags member.

Gaano kahirap para sa isang amang tulad mo na last year ay kailangan mong isikreto ang iyong anak?

Sagot ni Nikko, “Nahirapan ako last Christmas, dahil hindi ko po siya makarga man lang in public. Iwas ako talaga kapag nasa public, kaya ang bigat ng loob ko po.”

Masasabi mo ba na babawi ka ngayong Christmas sa iyong baby? “Actually po, bumabawi ako sa anak ko araw-araw, kahit hindi Pasko. Ipinapakilala ko siya sa mga katrabaho kong artista, sa management, sobrang proud kasi ako sa baby ko,” saad pa ng guwapitong talent ni katotong Jobert Sucaldito.

Nabanggit sa amin ni Nikko na plano niya ngayong Kapaskuhan na mag-check-in sa hotel kasama ang kanyang anak. “This Christmas po, ang plan ko ay mag-hotel kami. Sa beach hotel sana kahit three days lang na kasama ang anak ko, para naman ma-relax ang isip at pati na ang katawan namin.”

Sa mga dumarating sa iyong blessings, ano pa ang gusto mong hilingin sa Diyos?

“Marami pa po akong pangarap sa buhay, kumbaga ay nag-uumpisa pa lang ako. Kaya lagi kong dasal sa Diyos na sana kahit hindi man ako sumikat ng sobra, huwag lang sana akong mawala sa trabahong ito,” aniya pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …