Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, maliit na subject of interview para kay Kris; Si Bongbong daw ang nararapat

KUNG ang mga tagasubaybay ng Cristy Ferminute ang tatanungin, “naliliitan” sila kay Maine Mendoza bilang subject of interview ni Kris Aquino sa pagbabalik-hosting nito.

Para raw kasi sa estado ni Kris, she needs a heavyweight interviewee. Yaman din lang ay naunsiyami ang dapat sana’y one-on-one interview niya kay Pangulong Rody Duterte ay bakit hindi na lang ‘yon ikasa uli?

Ano rin daw ba ang interesting na pag-usapan tungkol kay Maine? Oo nga’t sikat si Yaya Dub, pero nahimay nang lahat ng aspeto sa kanya, wala nang room for the public to get  interested in her.

Nagkakaisa ang mga CFM listener/viewer na ang ideal na personalidad na kapanayamin ni Kris ay walang iba kundi si Bongbong Marcos!

And why not? The reasons are pretty obvious.

Alam naman ng lahat na ang nasa magkabilang pagitan pa rin ng political fence, ‘ika nga, ang kani-kanilang mga pamilya.

Bukod dito’y napapanahon din ang paglilibing sa ama ni Bongbong, si dating Pangulong Ferdinand Marcos, sa Libingan ng mga Bayani. On behalf of the Aquino at ng mga anti-Marcos supporter, hindi ba’t magandang marinig mula mismo sa bibig nina Kris at Bongbong ang kanilang take on the issue?

Kung matatandaan, nagkaroon noon ng dulang Bongbong at Kris. Kung sakaling matuloy ang kanilang paghaharap, it won’t be in a fictional scenario kundi sila na in flesh and blood.

And if ever it pushes through, sa totoo lang, kakabugin niyon ang lahat ng mga makakatapat na programa with the highest registered ratings and heaviest commercial load!

Wanna bet?

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …