Monday , November 18 2024
Angelica Panganiban sexy
Angelica Panganiban sexy

Angelica Panganiban palaban pa rin! (The Unmarried Wife tatlong lingo nang pinipilahan sa takilya)

Vice nagpa-thanksgiving sa tagumpay ng pelikula nila ni Coco

KUNG ang Working Beks ng Viva Films ay agad nawalis sa mga sinehan kasabay sa opening day ng “The Super Parental Guardians” nina Coco Martin at “Enteng Kabisote 10 The Abangers” ni Bossing Vic Sotto noong November 30, ang “The Unmarried Wife” na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Angelica Panganiban at Paulo Avelino hanggang ngayon ay palaban pa rin sa takilya sa dalawang malalaking pelikula.

As of presstime, ayon sa report ay kumita na ang Angelica movie ng mahigit P200 milyon. Kahit tatlong linggo na sa sinehan ang “The Unmarried Wife” ay hindi pa rin nagpapatinag.

Samantala 12 nn nitong December 5 ay nasa halos P300 milyon na ang kita ng SPG ng Star Cinema at patuloy naman siyempreng tinatangkilik ng mga Dabarkads sa buong bansa ang EK ni Bossing.

Nauna nang nagpa-thanksgiving party si Vice sa mga reporter at blogger na nakatulong nang malaki sa movie nila this year at taon-taon ay ginagawa ito ng iconic gay comedian at susundan naman ito ni Coco Martin na always ay hindi nakalilimot na pasalamatan ang mga entertainment press sa mga tinatamasa nitong tagumpay sa kanyang career sa pelikula, telebisyon at endorsement.

May your tribe increase gyud!

ARRON BLACK SHEEP
SA MGA ANAK NI SYLVIA
SA “THE GREATEST LOVE”

Kahit na pinagnanakawan na ng pera ang sariling ina na si Gloria (Sylvia Sanchez) sa negosyo nilang junk shop na ipinagkakatiwala sa kaniya ay magaling pa rin gumawa ng rason si Paeng (Arron Villaflor) para lumusot sa kaniyang mga kalokohan tulad ng bisyong alak at pagsusugal.

Nang tanungin siya ni Gloria tungkol sa nawawalang pera ay sinabing nagiging makakalimutin na ang kanyang nanay kaya’t hindi niya alam kung saan inilalagay ang kita nila sa kanilang junk shop.

Nagiging bayolente na rin si Paeng, at siya talaga ang black sheep sa pamilya Aguirre. Malaki talaga ang pagkakaiba niya sa bunso nilang si Lizelle (Andi Eigenmann) na kahit umangat na sa buhay ay hindi nagbabago sa pagmamahal kay Gloria.

Kung ano ang biyayang kaniyang natatanggap mula sa daddy na si Pedro Alcantara (Nonie Buencamino) ay isine-share ng dalaga sa kanilang ina na biktima ng sakit na alzheimer.

Napapanood ang “The Greatest Love” pagkatapos ng Doble Kara ni Julia Montes sa Kapamilya Gold.

MGA PAMOSONG ARTIST
NAMAMANGHA SA HUSAY
NG MGA MUSIC HEROES
SA EAT BULAGA

Lahat ng mga nauupong judge sa “Music Hero” ng Eat Bulaga ay napapamangha talaga sa sobrang husay ng mga kalahok sa segment na ito araw-araw.

Naturingang mga contestant pa lang animo’y mga professional artist na ang dating sa husay at galing sa pagtugtog sa iba’t ibang music instruments. Ilan sa mga nagpakitang gilas at nadiskubre ang talent ay drums hero, flut hero, guitar hero, bass hero atbp.

At hindi lang sila tumutugtog kundi may ibubuga rin sa pagkanta kaya posibleng ilan sa kanila ay magkaroon ng puwang sa ating Music Industry. Ang daily winner pala sa Music Hero ay tatanggap ng tumataginting na P30K.

Sa mga nais sumali, mag-audition sa Broadway Studio ng Eat Bulaga tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes huwag kalilimutang magdala ng inyong music instrument na gagamitin sa audition.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *