BAGUIO CITY – Sugatan ang tatlong obrero makaraan matabunan nang gumuhong lupa sa Sitio Finew, Samoki, Bontoc, Mountain Province kamakalawa.
Kinilala ang mga biktimang sina Nestor Magkachi Manochon, 60; Calsiman Chonchonen Ofo-ob, 19; at James Fomocao Challoy, 52, pawang mga residente ng Bontoc, Mt. Province.
Batay sa inisyal na imbes-tigasyon ng pulisya, inilalagay ng mga biktima ang pundas-yon ng itinatayong gusali nang biglang gumuho ang lupa mula sa itaas at sila ay natabunan.
Mabilis na nagresponde ang mga tauhan ng Bontoc Police, Bureau of Fire Protection, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council, at mga residente upang sagipin ang mga biktima.