Friday , December 27 2024

Happy Life, travel show with a cause (To encourage everyone to help; Babaeng magsasaka, unang natulungan)

00 SHOWBIZ ms m“TO help people…

deserving people, and to see the beautiful places of the Philippines.” Ito ang muli naming narinig mula kay Gov. Chavit Singsong sa presscon /launching ng kanilang travel show, ang Happy Life na mapapanood na simula December 11, 9:30 a.m. sa GMA News TV.

Ayon kay Gov. Chavit, tutulungan nila ang mga taong masisipag na mahihirap. ”It should always be a reward system. We don’t want any dole out,” giit ng gobernador at prodyuser ng Happy Life.

Ang Happy Life ay handog ng White Lion Media Productions Inc., na ididirehe ni Eric Quizon at iho-host ng mga beauty queen na sina Bea Santiago, MJ Lastimosa, Jamie Herrel, Giulia Zahar, Sophie Rankin, at Anthea Murfet. Ang show ay isang traveling show with a cause.

”And ‘yung team (Happy Life team) maghahanap sila ng matutulungan na talagang masipag hindi lang tutulungan ‘yung mahirap na tamad. ‘Yun ang programang ito. ’Yung nakita n’yo (1st episode) ngayon hindi lang ‘yun marami pa kaming maitutulong sa taumbayan,” paliwanag pa ng dating gobernador.

Sa paliwanag ni dating governor Singsong, hindi raw ito ang unang pagkakataon na tumutulong siya sa mga kapwa natin Filipino. ”I’ve been doing this for a long time. Pero we never publish it,” anito. ”Now, we will publish it for our main purpose na to encourage others.

“Ngayon kasi as I’ve told before, my children have their shares already, and the rest eh, we will give it away. So ‘yun ang ginagawa namin ngayon, ito ngayon eh to encourage others, that’s why were showing it now publicly. Na if somebody would like to help, sila ang sasamahan ng magagandang babae, kung walang gustong tumulong, ako ang tutulong, sasamahan ako ng magagandang babaeng ito. Para happy ang buhay, ‘di ba.”

TO ENCOURAGE EVERYONE TO HELP

Samantala, sinabi naman ni Eric, na siyang nagsisilbing tour guide sa show, bukas ang Happy Life sa mga indibidwal na gustong maghatid din ng tulong.

“Bukod sa ako rin ang nagdidirehe, in-open ko rin ito sa mga kapatid ko kaya sa isang episode kasama ko sila na nagbigay tulong.

“Sa mga girl na host naman natin, more on rotation sila depending on… example noong nagpunta kami sa Visayas, sa Bacolod. Most of our co-hosts are from the south like Bea and MJ and then si Jamie, so kung sino sa palagay namin ay bagay sa particular na location, ‘yun ang isinasama namin.

“Like what governor said, the purpose of the show is to encourage others and we can start it with our friend, families. So I encourage my siblings and friends that’s why sa isang episode kasama ang aking mga kapatid, and encourage Alice (Dixson) na makasama rin dito. And I know she also want this. ‘Yun ang purpose talaga ng show, to encourage everyone to see kung ano ‘yung kaya nila. Kung ano man ang kayang i-donate marami silang matutulungan. Hahanapan namin sila ng tutulungan at puwedeng itulong sa kanila,” paliwanag pa ni Eric.

“Gusto ko lang dagdagan ‘yung sinabi ni Eric, dahil ‘yung ibang mayayaman nakalimutan na nilang tumutlong, na kuha lang ng kuha ng pera eh hindi nagbibigay. So ‘yun ang purpose namin. Makatulong talaga.

“Huminto na kami (ng pagpapayaman) ng para sa sarili naming,” anang gobernador

“We primarily showcase the value of helping others with the backdrop of eye-popping destinations readily provided by the Philippines. It’s a lifestyle show with a style all its own,” giit pa ni Eric.

BABAENG MAGSASAKA, UNANG NATULUNGAN

Labindalawang episode ang kailangang tapusin ni Direk Eric bago matapos ang Christmas season at sa unang episode ipakikita nila ang natulungang si Aling Gavina, isang babaeng magsasaka na nakatira sa Leyte.

Ayon kay Eric, nang tanungin nila si Aling Gavina kung anong tulong ang nais nito, ang maipagamot ang maysakit na apo.

“Tinulungan namin ang isang lady farmer from Ormoc. Kasi ‘yung ang unang ipinahanap ni Gov. Gusto niya farmer. Bago namin nakita si Aling Gavina, may research team kami tapos hinihingi rin namin ang tulong ng mga local para talagang i-check kung karapat-dapat talagang bigyan ng tulong ‘yung bibigyan namin,” paliwanag pa ni Eric.

Edad 76 na si Aling Gavina ngayon na nagsasaka na simula pa noong 10  taong gulang ito. Labindalawa ang anak ni Aling Gavina.

Hindi lang pagpapagamot sa apong may sakit ang ibinigay ng Happy Life,binigyan din siya ng bahay at lupa at mga kagamitan sa bahay. Ito ang pilot episodes na mapapanood nila sa December 11.

“Then, mayroon ding barber na binigyan namin ng barber shop, isa rin ’yun sa episode na ipakikita naming.

SHOWBIZ KOENK Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Sue Ramirez Dominic Roque

Dom at Sue exclusively dating

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ABA’Y date movie na rin lang ang usapan, sure na sure …

Miles Ocampo Elijah Canlas

Balikang Elijah at Miles posible, nahuling naghahalikan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AT dahil kumalat na naman sa socmed ang “kissing scene” ng …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *