Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug lord na supplier ni Kerwin sumuko

BOLUNTARYONG sumuko sa PNP ang isa pang hinihinalang drug lord na supplier ni Kerwin Espinosa, kay PNP chief Dir. Gen. Ronald Dela Rosa sa Kampo Crame.

Kinilala ni Dela Rosa ang suspek na si Lovely Impal Alam.

Ginawa ni Dela Rosa ang pag-amin sa pagsuko ni Lovely sa pagdalo niya sa Senate hearing kaugnay sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.

Ayon sa PNP chief, sumuko si Impal sa kanya kahapon ng umaga at agad niyang iniutos sa pamunuan ng PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ang imbestigasyon.

Si Lovely ay ilang beses na binanggit ni Kerwin na kanyang pinagkukunan ng supply ng droga sa unang pagdalo niya sa Senate hearing.

Ang ilan pa sa supplier ni Kerwin ay sina Peter Co na nasa loob ng Bilibid, at si Jeffrey Otom Diaz alias Jaguar, itinuturing na Cebu’s biggest alleged drug dealers.

Sa ngayon, ongoing pa ang interview kay Alam ngunit makalalaya rin dahil walang kaso na isinampa laban sa kanya.

Aminado si Dela Rosa na wala pa siyang impormasyon patungkol kay Alam maliban sa pagdawit sa kanya ni Kerwin sa operasyon ng ilegal na droga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …