Thursday , December 26 2024

Rizal Memorial Sports Complex ibinenta na rin ni Erap Estrada?

HINDI pa nakababawi ang mga Manileño sa pagkakabenta ng Manila Zoo, heto at naibenta na rin pala ang Rizal Memorial Sports Complex, mas sikat ito sa tawag na Rizal Stadium.

Balak daw gawin condominium at mall ang Rizal Stadium.

Pareho pong nasa Adriatico St., Malate, Maynila ang dalawang ‘yan.

Sabi nga ng mga Manileño, mahusay ang kanilang kasalukuyang mayor…

Mahusay sumilip ng pagkakaperahan.

Hindi ba’t ganyan din ang nangyari sa Army & Navy Club sa kanto ng Roxas Blvd., at Katigbak Drive?!

Pati nga ang pagpapaputol sa century-old na mga puno ay nakakuha ng permit sa Department of Enviroment Natural Resources.

Kung hindi tayo nagkakamali, isang petition ang nangangalap ng lagda para tutulan ang tuluyang pagbebenta ng Rizal Memorial Sports Complex.

Suportahan po natin ang petisyon na ito dahil mayroong mahalagang bahagi sa kasaysayan ng ating bansa ang Rizal Stadium lalo na sports.

Sana ay sagipin ito ng mga sportsman at sports enthusiasts at suportahan nila ang petisyon sa change.org.

Ilang pirma na lang ang kailangan para maisumite ang petisyon na “Save Rizal Memorial Sports Complex” kay Pangulong Duterte, humihiling na pigilan ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa pagbebenta sa Sports Complex at i-redevelop ang Harrison Plaza-RSMC area upang maging 60% open at green space.

Batay sa petisyon, ang Rizal Memorial Stadium, Coliseum at ang buong complex ay “historical and architectural gems” dahil idinisenyo ito sa estivo ng Art Deco at pinagdaanan ng iba’t ibang makasaysayang timpalak.

Nagtataka ang mga Manileño bakit hindi kumikibo ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa hayagang pagtampalasan ni Erap sa mga pamana ng kasaysayan sa Maynila sa nakalipas na mahigit tatlong taon.

Mas mabilis pang nagbitiw sa puwesto sina NHCP top officials Maria Serena Diokno at Francis Gealogo sa isyu ng paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani ngunit walang pagkilos sa mga kuwestiyonableng kontrata na pinasok ni Erap para gahasain ang cultural heritage ng lungsod.

Namimili ba ng isyung sasakyan ang NHCP?

Noong nakalipas na Pebrero, ipinatigil nito sa lokal na pamahalaan ng Bayambang, Pangasinan ang pagpapagiba sa Gabaldon building, sa Bayambang Central School dahil ito’y mahalagang cultural landmark.

Aba, bakit naaalarma ang NHCP sa kapalaran ng Gabaldon building pero walang pakialam sa pagpapagiba ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada sa PNB building sa Escolta at sa Army and Navy Club?

Bakit pinayagan ng NHCP na ipa-demolish ni Erap ang Army and Navy Club building gayong idineklara nila itong national historical landmark noong 1991?

Noong hindi pa nagre-resign si Diokno, hindi man lang natin narinig na kinukuwestiyon ni Diokno ang pagpapaupa ng administrasyon ni Erap sa Army and Navy Club sa Oceanville Hotel and Spa Corp., at ipina-sublease pa ito sa Vanderwood Management Corp., para maging casino?

Wattafak!?

Baka isang umaga, paggising natin ‘e, private property na ang buong Malate dahil naibenta na kung kani-kanino.

Arayku!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *