Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mercedes Cabral, pinaliit ang mundong ginagalawan

NAGKAKAISA ang buong showbiz na isang kalapastanganan ang inasal ni Mercedes Cabral nang tawagin niyang, “Fuc…ng idiot” si Mother Lily Monteverde sa dulo ng kanyang pag-e-emote just because the Regal matriarch’s movie Mano Po didn’t make it bilang isa sa walong MMFF official entries.

May-edad na raw kasi ang prodyuser bukod pa sa itinuturing itong isa nang institusyon o haligi ng pelikulang lokal.

Nakagawa pa mandin daw noong 2010 ang indie film actress ng pelikula sa ilalim ng Regal Films, ang ikapitong bahagi ng Shake, Rattle & Roll.

Ikinukompara tuloy si Mercedes sa mga ‘di hamak na bituing may malalaking pangalang sa showbiz, the likes of Vilma Santos, Nora Aunor, Sharon Cuneta, Maricel Soriano at kung sino-sino pa, pero ni minsan—despite Mother Lily’s tales of her kaluka-kalukahan—ay hindi nila ito binastos.

Sino raw ba si Mercedes Cabral? Isang aktres mula sa maraming internationally acclaimed movies pero walang galang sa isang may-edad na?

Tiyak na magdudulot ito ng repercussions sa career ni Mercedes. Sa rami ng mga nagmamahal kay Mother Lily—kapwa prodyuser, artista, direktor, talent manager, atbp.—may isa kaya roon ang bukas sa pakikipagtrabaho sa bastos na aktres?

Hindi raw kaya huling pelikula na niya ang isa sa walong kalahok ngayong taon sa MMFF dahil wala nang gustong kumuha ng kanyang serbisyo kahit magaling pa siya?

Sigurado ‘yan!

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …