INIHAYAG ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, hindi mapipigilan ang pag-aresto sa gaming tycoon na si Jack Lam kahit wala pang isinasampang kaso laban sa kanya.
Kasabay nito, idinepensa ni Aguirre ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestohin si Lam, makaraan maaresto ang 1,316 undocomunted Chinese workers sa kanyang casino.
Nais ng pangulo na maaresto si Lam dahil sa bribery at economic sabotage.
“There is such a thing as warrantless arrest for continuing offense,” wika ni Aguirre.
Sinabi ni Aguirre, ang pag-operate ng illegal gambling ay isang continuing offense at puwedeng arestohin ang mga sangkot dito kahit walang warrant.
Pahayag ni Aguirre, posibleng ang PNP o NBI ang magsasampa ng kaso laban kay Lam sa Department of Justice (DoJ).
Si Lam ay isang Macau-based businessman, siya rin ang operator sa online gaming sa Fontana Clark Casino sa Pampanga.