MASAYANG-MASAYA ang si Nadine Lustre dahil may bago na naman siyang endorsement at ito ang Nails.Glow na pag-aari ng napakabait na mag-asawang AJ at Ferdie Opena.
Last November 26 inilunsad ang aktres bilang bagong endorser at franchisee ng Nails.Glow na ginanap sa Microtel Hotel sa U.P. Technohub, na present ang mga magulang ni Nadine.
Part nga ng pagiging endorser ni Nadine ng Nails.Glow ang pagkakaroon nito ng sariling branch na sa January ang opening.
And if ever nga na may gusto siyang unang taong maka-experience ng serbisyo ng kanyang sariling Nails.Glow ay walang iba kundi ang kanyang ka-loveteam at boyfriend na si James Reid.
Ito nga ang magsisilbing kauna- unahang business ni Nadine na ayon dito ay si Boss Vic Del Rosario ng Viva Entertainment ang nang-engganyo sa kanya na magkaroon ng business.
MATABIL – John Fontanilla