Death penalty umarangkada na sa Kamara
Jerry Yap
December 2, 2016
Bulabugin
Umaariba na ang panukalang pagbabalik ng capital punishment sa Kamara de Representantes.
‘Yan ay matapos aprubahan ng subpanel ang panukalang batas nitong Martes.
Kung hindi tayo nagkakamali halos 10 taon na ang nakalilipas nang i-abolish ang death penalty pero nagkaroon ng clamor na muli itong ibalik dahil sa malalalang kriminalidad.
Kaya sa ilalim ng panukalang batas, iminumungkahi na ang mga krimen na treason, piracy, qualified bribery, parricide, murder, infanticide, rape, kidnapping & illegal detention, robbery with violence, destructive arson, plunder, drug-related crimes at carnapping ay may kaparusahan na kamatayan na maaaring sa pamamagitan ng bitay, firing squad o lethal injection.
Ang anim na congressman na bumoto sa reimposition ay sina deputy speakers Rep. Fredenil Castro (Capiz, 2nd District), at Rep. Sharon Garin (AAMBIS-OWA party-list) at sina representatives Robert Ace Barbers (Surigao del Norte, 2nd District), Arturo Defensor Jr. (Iloilo, 3rd District), Alfredo Garbin Jr. (Ako Bicol party-list), at Aurelio Gonzales Jr. (Pampanga, 3rd District).
Mayroon din limang mambabatas na bumoto para sa version ng proposal na naglilimita sa death penalty sa drug-related crimes.
Sila ay sina Deputy Speaker Representatives Eric Singson (Ilocos Sur, 2nd District), Luis Campos (Makati, 2nd District), Eugene De Vera (ABS Party-list), Roger Mercado, (Southern Leyte), at Victoria Noel (An Waray Party-list).
Ganoon din sina Representatives Lawrence Fortun (Agusan del Norte, 1st District) at Ramon Rocamora (Siquijor).
Kung hindi tayo nagkakamali, pagkatapos ng hearing, ito ay isusumite sa mother committee.
Kapag naaprubahan, ito ay iaakyat na sa plenary para sa debate.
Umaasa si House Speaker Pantaleon Alvarez, co-author ng surviving bill, mailalatag ito sa plenary bago mag-Christmas break ang Senado. At inaasahang maipapasa sa Agosto.
Kung hindi masyadong aangal ang mga pro-life advocates, malamang na mapapadali ang pagpapasa nito.
Asahan ang lalo pang pag-iingay at pangangalampag ng mga tinatawag na human rights activists.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap