Thursday , December 26 2024

Abolisyon ng airport terminal fee sa OFWs isinusulong na ni MIAA GM Ed Monreal

KAPAG gusto maraming paraan, kapag ayaw puro alibi at boladas.

Ganyan po sa nakaraang administrasyon sa MIAA.

‘Yan ang masasabi natin, matapos natin mabatid kahapon na tinatrabaho na ni Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal ang abolisyon ng ipinapataw na airport terminal fee sa overseas Filipino workers (OFWs).

Ipatutupad na ito simula Marso 2017. Halos tatlong buwan na lang po ‘yan.

Sinabi mismo ni GM Monreal nakausap na niya ang mga kinatawan ng international airlines para maipatupad na ito sa Marso 2017.

Sa kasalukuyan ay binabalangkas ng magkabilang panig ang “memorandum of agreement” upang maisapinal na ang pagpapatupad nito.

Kaya sa mga kababayan nating OFW, pansamantala ay kailangan muna ninyong pumila sa airport terminal upang makakuha ng refund.

Isa ito sa tunay na serbisyo ng kasalukuyang administrasyon para sa mga OFW na walang sawa sa pagpapadala ng kanilang dollar remittances na nakatutulong nang malaki sa pag-ikot ng ating ekonomiyang hindi lang nakasandal kundi nakasuso na nang husto sa dolyar.

Hindi gaya sa dating administrasyon ng dating airport manager na si Bondat ‘este’ Bodet Honrado na talagang iginiit at ipinilit na patawan ng P550 terminal fee ang mga OFW na nag-aakyat ng dolyares sa ating bansa.

Sa halip na alalayan para  maging maginhawa ang mga kababayan natin ay pinahihirapan pa!       

‘Yan ang tunay na pagbabago hindi panggagago!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *