Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora Aunor, tiyak na babandera sa Gabi ng Parangal

THE mere presence ni Nora Aunor sa MMFF this year ay nungkang maituturing na starless ang taunang festival.

Let’s face it, si Ate Guy ang itinuturing na Queen of MMFF mula pa noong 1976 having won several Best Actress awards.

This year, ang pambato ng Superstar ay ang pelikulang Kabisera. Mula ito sa panulat ng dati naming katrabaho sa GMA na si Real “Yay” Florido who’s also one of the two directors along with Arturo “Boy” San Agustin.

Nang ihayag over the week ang walong opisyal na kalahok ng MMFF, agad naming kinontak si Yay tungkol sa kanyang ikalawang directorial project (ang una ay ang 1st Ko Si Third na naghatid sa kanya ng Best Director sa London Film Awards).

Gaya ng alam natin, ang salitang “kabisera” ay central seat sa hapag-kainan na karaniwang inookupahan ng either ama o ina ng tahanan. In this movie, Nora plays the matriarch sa isang pamilyang Pinoy na dumaraan sa ilang yugto ng buhay dahil sa isang trahedya.

Ani Yay, kakaibang Nora Aunor daw ang naghihintay para sa kanyang mga tagahanga.

Eto naman ang amin, walang dudang mahigpit na makakalaban sa Best Festival Actress category si Nora lalo’t ang focus ngayon ng MMFF ay mga de-kalidad na pelikula more than commercially viable ones.

Magsilbi sanang challenge ito para sa mga Noranian na oo nga’t patuloy na idinadambana nila ang kanilang idolo pero kapos naman pagdating sa panunugod sa mga sinehan para panoorin ang pelikula nito.

Maaaring mas matimbang ngayon ang mga makabuluhang pelikula, pero siyempre, hangad din ng mga prodyuser na kumita mula sa kanilang ipinuhunan. No doubt, sa cast pa lang ng Kabisera (Ricky Davao, JC de Vera, Ms. Perla Bautista, etc.) ay tiyak na may paglalagyan sila sa Gabi ng Parangal, pero mahalaga ring tangkilikin ng mga Noranian ang pelikula para bukod sa karangalan ay may kita pa.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …