Monday , December 23 2024

Duterte tuloy sa Lanao

113016_front
KINOMPIRMA ni Pangulong Rodrigo Duterte, tuloy ang kanyang biyahe sa Lanao del Sur sa kabila nang naganap na ambush sa kanyang Presidential Security Group (PSG) advance party patungong Marawi City.

Sinabi ni Pangulong Duterte, taliwas sa naging payo sa kanya na ipagpaliban ang biyahe, siya ay tutuloy ngayong araw sa Marawi City para bisitahin ang mga sundalong nasugatan sa nagpapatuloy na operasyon laban sa Maute group sa Butig, Lanao del Sur.

Ayon kay Pangulong Duterte, katunayan hangga’t maaari ay walang babaguhin sa rutang daraanan papuntang Lanao del Sur na posibleng magkakaroon ng putukan.

Kung hindi aniya siya makalulusot o may mangyaring masama sa kanya, nariyan si Vice President Leni Robredo na papalit sa kanya at magiging magalang na pangulo.

“But you know, there’s trouble there in Mindanao. It is within control but it is a troublesome thing so I have to fly tomorrow to go to — there. Iyong advance party ko na belonging to the Presidential Security Group na-ambush pa kanina. Tinamaan ng IED. But I’m going there. I’m going there because — I am just simply going there. The advice was to postpone, I said ‘no, I will go there’ and if possible, take the same route. Maybe we can have a little gunfight here, gunfight there. Exercise. Baka. Kung hindi ako lulusot ‘e nandiyan naman, that’s why we have a Vice President Leni Robredo. Then you can have a gentle President also in exchange for a discourteous — a discourteous mouth,” ani Pangulong Duterte.

HATAW News Team

Sa Marawi City
7 PSG, 2 ARMY
SUGATAN
SA AMBUSH

TINIYAK ng pamunuan ng Presidential Security Group (PSG), may sapat na kakayahan at kasanayan ang kanilang mga tauhan para bigyan ng proteksiyon si Pangulong Rodrigo Duterte at ang Unang Pamilya.

Ito ang pahayag ni Lt. Col. Michael Aquino kasunod nang panananambang sa convoy ng tropa ng PSG, apat na kawani ng Radio TV Malacañang at isang empleyado ng Media Affairs and Relations Office (MARO), ng hindi pa matukoy na armadong grupo sa Sitio Malupay, Marawi City kahapon ng umaga.

Batay sa inisyal na ulat ng PSG, ang convoy ay advance party ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakdang bumisita sa siyudad para bigyan ng moral support ang tropang militar na ilang araw nang nakikipagbakbakan sa teroristang Maute Group.

Ani Aquino, biglang sumabog ang isang improvised explosive device habang dumaraan ang advance party convoy na ikinasugat ng siyam na kagawad ng PSG dakong 11:05 am kahapon.

Agad dinala sa pagamutan ang mga sugatan habang ang limang kawani ng Palasyo ay nagtungo sa kampo ng 103rd Battalion sa Cagayan  de Oro City.

Nabatid na isasailalim sa stress debriefing ang mga nakaligtas sa insidente.

Inaalam ng PSG kung ang talagang target nang pagpapasabog ay si Pangulong Duterte o resulta nang nagaganap na bakbakan ng tropa ng pamahalaan at Maute Group.

“Can’t say yet if the attack specifically targeted PRRD or a result of ongoing operations in the area. Can’t say how it will affect the trip of PRRD to Marawi but assures public that PSG are well trained and prepared to ensure the safety of the President,” ani Aquino sa isang text message.

“Tight talaga ang security natin, kahit saan tayo magpunta, hindi naman tayo nagpapabaya, talagang alert tayo, naka-alert tayo palagi at tsaka ‘yung mga tropa natin, trained talaga iyan, maganda rin ang mga training ng tropa natin,” dagdag niya.

( ROSE NOVENARIO )

MAUTE GROUP
KAKAIBIGANIN
NI DUTERTE

WALA pang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na utusan ang militar na pulbusin ang teroristang Maute Group kahit tinambangan ang kanyang advance party at inatake ang isang barangay sa Lanao del Sur sa halip ay gusto niya itong ‘kaibigani.’

Sa ambush interview kahapon matapos pasinayaan ang Mega Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay sa Palayan City, Nueva Ecija ay sinabi ng Pangulo na ‘kakaibiganin’ niya ang Maute Group.

“Kakaibiganin ko sila para walang gulo,” anang Pangulo nang tanungin ng media kung ano ang gagawin niya sa Maute Group.

Itutuloy ni Duterte ang pagbisita sa Marawi City ngayon sa kabila na 7 kagawad ng Presidential Security Group (PSG) at 2 sundalo mula sa 65th IB ng Phil. Army ang nasugatan sa ambush sa nasabing lugar kahapon.

Ayon sa isang security official na tumangging magpabanggit ng pangalan, taktikang Machiavelli ang nais ipatupad ni Duterte ang, “keep your friends close and your enemies closer.”

Ngunit binigyan-diin niya sa ikabubuti ng bansa ang ginagawa ni Duterte na kaibiganin ang mga armadong grupo na banta sa seguridad gaya ng CPP-NPA, MILF, MNLF at ngayo’y ang Maute Group.

Sa ganitong paraan aniya ay tatahimik ang bansa at lalago ang ekonomiya.

Sa kanyang talumpati kahapon, iginiit ng Pangulo na kahit puwede niyang ipag-utos na bombahin ang mga lugar sa Mindanao na pinagkukutaan ng mga aramdong grupong Moro ay hindi niya gagawin dahil ito ang magluluwal ng terorismo.

“You know, there is really no problem. I can order the invasion of Jolo and give the order, ‘the last man standing.’ I can burn Jolo, I can burn Basilan. Bomb everything there, lahat ng bahay makita ko. With the howitzers and the…But what would it bring us? If you think that I will wipe out humanity there, we will at last enjoy the blessings of peace? What you will get in return with the terrorism and mind you, that Maute there who is fighting the government troops now and there is a raging battle going on. And I said ‘yung advance party ng security ko, pinutok ng IED. Kaya I have to go to the hospitals to visit them tomorrow,” anang Pangulo.

“Kasama rin ang — the Reds. Mabuti na lang ‘yan nakapaghinga na tayo e, nag-uusap na tayo. At least there’s a respite. For once, we can rest. There’s no doubt about it, I can fight the whole year round. May pera ang gobyerno, may taxes e. But for how long? And at what cost?” pahayag ng Pangulo.

“So kayong nakaiintindi sa akin, you are too near the left, you are too near with Misuari. But, of course. I never like it but when I became vice mayor of Davao City, he went around Mindanao strutting with firearms. I said, ‘no, you cannot enter my city with arms.’ It’s something not…So, nagkaintindihan kami and we became friends, we are talking. May mga misgivings siya,” dagdag ng Pngulo.

Sa kabila ng pagsusulong ng peace talks sa mga armadong grupo ay iginiit ng Pangulo na sakaling magkaroon ng peace pact ay mananatili sa kontrol ng Presidente ang pulisya’t militar.

Ipinaliwanag ng Pangulo na ang makapagpapatahimik sa rebelyon sa Mindanao ay federalismo.

“For example, ‘yung gusto nila na ano, they want a… Again, they repeated it before me, itong they would want a — parang regional armed forces, pati pulis. That’s something which I cannot give. Those are the things that cannot be negotiated. They want a federal type presidency, fine. But the commander-in-chief and the control of the police and the military shall always be in the hands of the president,” anang Pangulo.

( ROSE NOVENARIO )

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *