BLESSINGS na maituturing ni Baby Ruth Villarama ang pagkakapili ng Metro Manila Film Festival committee sa kanilang Sunday Beauty Queen na ipinrodyus ng Voyage Studios at TBA (Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainment, Artikulo Uno Production), ang grupong may gawa ng box-office at critical hit na Heneral Luna.
Maituturing naman itong history para sa iba dahil isang documentary film ang naisama sa taunang MMFF na karaniwang pelikulang pambata ang kasali.
Ayon kay Villarama, apat na taon nilang ginawa ang Sunday Beauty Queen na isang real life characters ang mapapanood. Sila ‘yung mga OFW sa Hong Kong na sumasali sa beauty contest.
Kuwento ni Villamara, dumaan sila sa butas ng karayom at nakaranas ng hirap sa HK habang tinatapos ang pelikula. Kaya naman hindi nila napigilang maiyak din nang banggiting kasama ang kanilang pelikula.
Ang Sunday Beauty Queen ay nagkaroon na rin ng world premiere noong Oktubre sa Busan International Film Festival na nakakuha ng mga positibong rebyu mula sa ilang international industry media.
Very honor at excited si Villarama na siya ring sumulat nito, na mapanood ng Pinoy audience ang fascinating at heartwarming world ng SBQ.
“’Sunday Beauty Queen’ is not just an OFW story. It’s the story fo every Filipino struggling to make a living and yet finding light and hope in any way they can.
“[And] at the heart of the film is ‘family’. That’s the heart of every OFW story. [And through MMFF], we can not share that beautiful story of Filipino families this coming Christmas,” saad pa ni Villarama.
Sa pelikula’y ipinakita ang lingguhang pagganap ng beauty pageant dahil ‘yun ang pahinga ng mga OFW na namamasukan sa HK.
Kompiyansa naman si Mr. E.A. Rocha, isa sa mga producer, na tatangkilikin ito ng Pinoy dahil ang pelikula nila ay isa ring selebrasyon ng tunay na pagsasama-sama ng pamilya tuwing Kapaskuhan. Wala mang sikat na artista, mga tunay na OFW naman ang bibida sa pelikulang ito.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio