Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Michael Pangilinan

Michael, naiyak sa ‘di pagsipot ng anak

HINDI napigilan ni Michael Pangilinan na maluha habang kausap namin siya pagkatapos ng kanyang free birthday concert sa Rajah Sulayman Open Park nang mapag-usapan ang anak na inasahang makita ng araw na iyon.

Ani Michael, ilang buwan nang hindi niya nakikita ang anak kaya inasahan niyang sa espesyal na araw na iyon ay posible niyang makita ang bata.

“Bago ako pumunta rito, isa lang ang ‘iinagdasal ko, sana maghimala na biglang iakyat (sa entablado). ‘Yun lang po ang wish ko, sana makasama ko ang baby ko,” ani Michael.

“Kung ayaw niya dalhin, ipasuyo man lang na ihatid niya o kaya ‘wag siyang bumaba ng sasakyan, okay na ako. Malaking bagay ‘yun, kasi birthday ko, debut ko, kasama ko ang anak ko. ‘Yun ang buhay ko, ‘yung anak ko.

“Kung matino siya (ina ng bata), birthday ng tatay ng bata, debut pa, ano ba naman ‘yung mag-effort siya. Maski 30 minutes lang. Kung may problema sila sa akin, o may problema tayo, problema natin, tayo ang magharap, ‘wag mong idaan sa bata para saktan ako. Napakasakit po, lagi akong umiiyak,” pagtatapat ni Michael.

Sa kabilang banda, itinanggi naman ni Michael ang paratang na ginagamit niya ang anak para mapag-usapan at sumikat.

“Hindi po totoo ‘yun, sa totoo lang, hindi ko kailangang sumikat. Maski wala po akong show, hindi ako sumikat, basta’t kasama ko lang ang anak ko, kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw, masakit lang po talaga,” giit ng binatang ama.

Bagamat hindi niya nakasama ang anak sa kanyang 21st birthday, hiling ni Michael na makasama ang bata sa kaarawan nito sa December 15. “Sana man lang makasama ko siya o maski na before kasi tiyak may party sila para sa anak ko, before man lang sa akin siya para naman maipaghanda ko rin. ‘Wag naman after December 15, kasi wala nang saysay ‘yun,” ani Michael.

Desmayado man, maituturing pa rin ni Michael na ang free concert na ginawa para sa mga senior ay pinaka-best concert na ginawa niya.

“Kasi nakapag-give back ako sa mga sumusuporta sa akin at ang ganda talaga ng venue, hindi ko akalaing ganito pala kaganda kapag inayos, hindi ko kasi ito gaano napapansin.”

Kaya naman malaki ang pasalamat ni Michael Mayor Joseph Estrada gayundin kay Jerika Ejercito na siyang tumulong sa kanya para makahanap ng venue at sa lahat ng mga performer na nagbigay-saya sa mga nanood ng hapong iyon.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …