Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nikko Natividad, proud sa grupo nilang Hashtags

IPINAGMAMALAKI ni Nikko Natividad ang grupo nilang Hashtags na ngayon ay sobrang tinitilian ng maraming kabataan. Bigla nga ang pag-arangkada ng grupong ito na nagsimula sa It’s Showtime.

Sinabi ni Nikko na natutuwa siya sa kanilang grupong Hashtags at solid daw ang samahan nila. “Etong Hashtags group po namin, malaking break po para sa akin ito. Sana magtagal po ang group namin. Sobrang saya po namin kapag naa-appreciate ng audience ang ginagawa namin.

“Solid po ang group namin at ang samahan namin, para kaming magkakapatid na rin talaga. Sobrang nagpapasalamat po kami sa Diyos nang nanalo kami sa Star Awards for Music. Nominated din ako sa isa pa, pero dito pa lang ay sobrang natutuwa at nagpapasalamat na ako. Ito ang kauna-unahang album namin at eto nga nanalo po kami agad. Siyempre ay malaking tulong na nag-gold iyong album namin kaya siguro napili kami na rito,” masayang saad niya sa amin.

Pahabol pa ni Nikko, “Iyong concert namin hindi ba katatapos lang? May plans na lumibot ang Hastags sa mga probinsiya. Ipinagdadasal ko po na magtagal ang grupo namin, kasi mas gumanda ang career ko mula nang maging Hashtags ako.”

Wala raw inggitan sa kanila kahit nagkakaroon sila ng endorsements na hiwa-hiwalay. “Wala pong inggitan, masaya kami sa bawat isa sa amin. Pero magkakaroon ang grupo, kinuha kami ng Nestle. Ambassador po kami ng Nestle, Good example kami sa mga kabataan, good health kami at kailangan na magandang halimbawa sa mga kabataan.”

Ano ang ipinagbago ng buhay mo mula nang napasali ka sa It’s Showtime?

Sagot ng talent ni Katotong Jobert Sucaldito, “Two years na ang nakakalipas mula nang nanalo ako sa Showtime. Masasabi ko na sobrang nagbago talaga ang buhay ko dahil sa It’s Showtime. Na kung wala ang show na ito, wala rin ako dito ngayon sa shwobiz. Na hanggang ngayon ay nakasali pa kami sa annivesary ng Showtime. Kumbaga ay part na raw kami talaga ng Showtime at ipinagdadasal ko, hoping kami na kada-taon ay nandoon pa rin kami.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Vice Ganda Airport

Vice Ganda inilahad totoong nangyari sa airport

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanilang noontime show na It’s Showtime, nagbigay ng reaksiyon …

Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith Father

Anne at Jasmine nagdadalamhati sa pagpanaw ng ama

ni Allan Sancon BALOT ng matinding lungkot ang pamilya nina Anne at Jasmine Curtis-Smith matapos pumanaw ang ama nilang …

James Curtis-Smith Anne Curtis Jasmine Curtis-Smith

Anne at Jasmine dinagsa ng pakikiramay mula sa mga kaibigan, katrabaho

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MALUNGKOT ang pasok ng 2026 kay Anne Curtis dahil sa pagyao ng ama …

Bam Aquino Vico Sotto

Talent manager at online show host Noel Ferrer pinangalanan sina Bam, Vico bilang People of the Year 2025

HINIRANG ng talent manager at online show host na si Noel Ferrer sina Senador Bam Aquino at Pasig City …

Rave Victoria

Rave Victoria masaya sa suportang natanggap sa PBB Collab 2

RATED Rni Rommel Gonzales BINANSAGANG ”Optimistic Apo ng Tarlac” natapos na ang Pinoy Big Brother Celebrity …