P325-M tourism budget para sa promotion ng bansa hindi ba sobrang laki naman?
Jerry Yap
November 26, 2016
Bulabugin
HINDI natin matindihan kung bakit napaglaanan ng P325 milyones budget ang Department of Tourism (DoT) para umano sa promosyon ng Filipinas bilang tourist destination.
Ito yata ‘yung pagpapatuloy ng “It’s more fun in the Philippines” tourism campaign.
Ito raw ang naaprubahan mula sa inihain na proposal ng DOT-attached agency na Tourism Promotions Board (TPB) na originally ay naghain ng P523.18 milyong budget para sa 2017. Mataas ito ng 10 percent sa P475.62 milyon nitong 2016.
Nabawasan pa pala ‘yung lagay na ‘yun?!
Mukhang mas malaki pa ang gagastusin ng DoT-TPB para sa promosyon na ito kaysa kikitain?!
Mantakin naman ninyo P325 milyones?!
E kung tutuusin, ‘yang halaga na ‘yan ay malaking budget na para makapag-develop ng isang industriya na magbibigay ng trabaho sa mga kababayan nating walang trabaho.
Sa ganang atin, dapat itong pag-aralang mabuti ng budget committee.
Alam nating ang turismo sa bansa ay hindi kayang kumita gaya ng kinikita ng mga tourist destination sa ibang bansa.
Gaano lang ba ang ginagastos ng mga tourist na nagpupunta sa ating bansa lalo na ‘yung mga Amerikano at Europeans na ang gusto sa ating bansa ay beaches.
Gaya ngayon, narito sila sa bansa dahil malamig at nagyeyelo sa kanila. Kaya gusto nila sa Filipinas dahil hindi nagyeyelo rito.
‘Yun lang, mamamasyal sila, kakain pero hindi magsa-shopping.
Ibig sabihin, ang mag-aakyat ng malaking kuwarta sa turismo ‘e yung kung dito sila magsa-shopping.
Gaya ng ginagawa ng mga Filipino at iba pang Asians at turista kapag nasa Hong Kong, Macau, Singapore or kahit sa Europe at USA.
Kaya kung titimbangin ang gastos at kita, mukhang lugi pa tayo.
Sino ba talaga ang kikita diyan sa budget na ‘yan ng DoT?
Aba ‘e pakibusisi lang po sana bago pakawalan ‘yang budget na ‘yan!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap