Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

MA to Kris A. — she’s being humbled in so many ways and she needs to learn it, embrace it

KAHANGA-HANGA ang pagiging positibo ni Michael Angelo Lobrin sa lahat ng bagay. Kaya hindi nakapagtataka kung marami ang nai-inspire at nakikinig sa kanya sa tuwing nagsasalita siya. Hindi rin kataka-taka kung ngayo’y nasa 6th season na ang kanyang TV show na #MichaelAngelo sa GMA News TV.

Sa pakikinig lamang kasi kay MA (Michael Angelo) tiyak na mawawala ang mga problema. Kaya naman pangako ni MA, sa #MichaelAngelo, ang hinahanap na Intertainment (Inspirational Entertainment) ay mapapanood at makikita natin. Ito’y may kombinasyong katatawanan na tiyak na nakai-inspire, at dito rin lang sa show na ito makapagsi-share ang viewers ng kanilang unique experiences ng joy and tears matapos manood ng show. Kasi nga, naghahatid ng maraming positivity si MA.

Maraming bagong concept at segment ang mapapanood sa season na ito na mapapanood simula Nobyembre 26 na si Alden Richard ang special guest.

Ani MA, marami siyang nais pasalamatan sa patuloy na pagbabahagi ng kanyang show, ito ay ang Presidente ng Bounty Agro Ventures na si Ronald Mascarinas na maker ng Chooks To Go, Uling Roasters, at Royal na hindi siya iniwan matapos siyang lokohin ng dating staff. At siyempre ang publikong hindi bumibitaw sa panonood sa kanya.

Sa kabilang banda, natanong ang inspirational speaker-TV host ukol sa kung ano ang puno’t dulo ng tampuhang Ai Ai delas Alas (isa kasi siya sa malalapit na kaibigan ni Ai Ai) at Kris Aquino.

“Namatayan kasi si Ai Ai. Ito naman kasi si Lola Kris, talagang may attitude talaga. Noong namatay ang original, biological mother ni Ai Ai, ni hindi nag-text. Ni hindi tumawag. Ni hindi nagpadala ng bulaklak.

“Of course, kung kayo BFF (best friends forever), kahit man lang tawag.Hanggang sa sinakyan na ni Kris ‘yon at naging issue. Tapos, nagkabati.

“Pero natutuwa naman ako at medyo okay na sila. Nag-donate si Kris ng P50,000 sa ipinagagawa ni Ai Ai na simbahan.

“Ako, heto lang po. Lahat may balik. ‘Pag medyo masama ang ugali mo, babawi ang buhay sa ‘yo in some other ways. At nakikita ko po, kahit makarating kay Kris, she’s being humbled in so many ways and she needs to learn it. Embrace it.

“No longer with pain but with humility lang. I’m supposed to be there sa event ng ‘Go Negosyo’ na dapat darating si Pangulo. Nagkataon na may event si Ai Ai. Sa ‘Go Negosyo’ ako nag-start. Ako ang host na 10 lang nanood.

“Doon sila nagkatampuhan. Ako kasi, life is short eh. Sinasabi ko rin kay Ai Ai ‘yan. Mapagtawad siya pero siyempre, tao lang na nasaktan,” paliwang ni MA.

Mapapanood ang TV series niyang #MichaelAngelo tuwing Sabado, 5:00 p.m. sa GMA News TV.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …